🏥⛪ 40- Gift

2.5K 62 17
                                    

Gift
Ang pinakamahalagang regalo ay hindi nababalot sa kahon, kundi sa pagmamahal at presensiyang taos-puso na ibinibigay nang walang hinihintay na kapalit.

📿 MARIKAH SYCHELLE

Magmula nang kuhanin ng Panginoon ang mga magulang ko apat na taon na ang nakalilipas. Ngayong taon ko muli maituturing na naging masaya ang aking kaarawan. At sila ang naging dahilan nito.

Nakangiti ko silang pinagmamasdan habang tinatapos nila ang pag-awit sa akin ng 'Maligayang Kaarawan' sunod ay tumingin ako sa kandila na siyang nakasindi sa cake. Hindi naman ako naging salat na mabigyan ng mga ganitong uri ng selebrasyon ng mga magulang ko noon. Pero noong nawala sila ay tila hindi ko na nadama ang ilang taon ang kahalagahan ng kaarawan ko, pwera na nalang na ito'y kaarawan ng Panginoong Jesus.

Pero ngayon, sa mga oras  na ito nagkaroon muli ng dahilan upang makita ko muli ang kahalagahan ng aking kaarawan.

Pagtapos nila akong awitan ay ipinikit ko ang aking mga mata. Taimtim akong humiling ng kapayapaan, kasaganahan, at pagpapasalamat sa bagong buhay na siyang regalo sa akin ng Panginoon sa taong ito.

Pagkamulat ko ay kaagad ko na hinipan ang mga munting apoy sa mga kandila ng cake.

“Maraming salamat sa inyo...” nararamdaman ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko.

Walang humpay na kasiyahan ang aking nadarama. Lalo na at nakita ko na muli si Don Hideo pagkatapos ay nagkapalagayan pa kami ng loob.

Sinabi ni Harmony kaninang umaga ay 'wag na ako mag-duty sapagkat tutulungan daw namin si Manang Dona sa mga ihahain sa noche buena.

Kaya naging alaba kaming tatlo sa paggagayat, paghihiwa, at pababalat ng nga rekados. Ako ang nakatoka sa morkon at menudo. Sa ibang putahe naman ay si Harmony. Si Manang Dona ay ginagabayan kaming dalawa sa paghahalo ng aming mga niluluto.

Nung bandang gabi ay nagpaalam ako sa kanila na dadalo ako sa huling gabi ng Simbang gabi.

At ngayon ay salu-salo naming kakainin itong aming mga niluto kaya talaga namang nakakataba ng puso. Pinangunahan ko na ang pagdarasal. Pagkatapos ay kanya-kanya na sa pagkuha ng gusto nilang matikman.

Kay Lola ko pa natutuhan ang pagluluto ng morkon. Pinapagawa niya rin sa akin ito kung may selebrasyon at fiesta sa aming Bayan. Kaya nakuha ko na ang tamang timpla at pagluluto nito maging ang Menudo may siyang may sariling besyon din ng aming pamilya.

Nakita ko na tinikman ni Dok Hideo ang morkon na gawa ko. Sa totoo lang ay lahat sila ay ito ang unang inihain sa kanilang mga pinggan.

“Ang sarap nito, Marikah!” masayang puri ni Harmony.

“Masarap ka talagang magluto 'nak,” sabi naman ni Manang Dona.

“The taste is really good, looking forward na maipagluto rin ako ng ganito ng mahal kong Athena, soon.” Papuri rin ni Dok Ivo. Kinindatan pa niya si Harmony.

Pagtingin ko kay Dok Hideo ay inaabangan ko ang kanyang reaksyon at sasabihin.

“Akin ang nagluto, kaya akin lang ang lahat ng morkon na ito.”

The Doctor Series #1 : My New Life is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon