Confessions
Ang pagtatapat ng pag-ibig ay tulad ng isang bulaklak na bumubuka sa unang sinag ng araw—matagal itong naghintay sa dilim, nangangambang masaktan ng lamig, ngunit sa sandaling buksan nito ang sarili, saka lamang malalaman kung yayakapin ito ng init o malalanta sa kawalan👨⚕️HIDEO ADONIS
Ang tanging hiling ko ay hindi na matapos ang mga sandaling ito. Para ko muling nakilala ang Pasko, dahil sa kanya. Siya ang rason kaya muli akong sumaya sa buwan na ito.
Nakatitig pa rin ako sa kanya nang makita ang lumitaw strand ng kulot na buhok niya hinawi ko ito ng marahan gamit ang daliri ko.
"Dok... Maligayang pasko rin po, at salamat po." Buong galak na sambit niya. Kasabay ng pagtulo ng kanyang luha na siyang kaagad na pinahid ng kanyang palad.
"Pasensya ka na, napaluha ba kita?" tanong ko sa kanya.
Napatingin siya sa akin at tumango.
"Opo Dok, pinaiyak niyo po ako sa galak. Hindi niyo po alam kung gaano niyo ako napasaya sa gabing ito. Ang tagal niyo pong hindi nagpakita."
Napangiti ako ng matamis sa kanya. Kahit na umiingay na ang kapaligiran dahil sa tuluyang pagsapit ng kapaskuhan. Pero para sa akin, kami lamang ang nandirito sa mga oras na ito. Siya lamang ang tanging nakikita at kasama ko.
"May mga kailangan lamang akong asikasuhin nitong mga nakaraang linggo. Pasensya na muli kung labis kang nag-aalala sa akin—" napahinto ako dahil muli ay may napagtanto ako. "Ibig sabihin na mi-miss mo ako?"
Nayuko siya ng bahagya at tumungo-tango ng marahan. Mas lalo akong napangiti. Mas lalong nagsisiwalaan sa pagtibok ang puso ko. 'Wag naman sana akong ma-heart attack sa mga oras na ito.
"Inaamin ko po Dok, walang araw na hindi ko hinihiling na makita kita muli. Hindi ko na rin po maunawan. Kahit pa na sinabi ninyo na kalimutan ko ang lahat, ngunit hindi ko ito magawa. Pero iisa lamang ang tanging nadarama ko..." muli niyang sinalubong ang aking mga mata. "Na ikaw ang nilalaman ng puso ko, Dok Hideo."
Mga ilang minuto akong napatitig sa kanya sapagkat sini-sink-in ko pa sa utak ko ang kanyang mga sinabi.
"Marikah...."
"Dok Hideo, gusto rin po kita. Ito po ang nadarama ng aking puso."
Hindi ako makahuma ng kahit na anong salita ngayon, masayang nagwawala ang sistema ko sa aking mga narinig mula sa kanya.
Supposed to be ay mag-confess muli ako sa kanya sa mga oras na ito. Pero hindi ko akalain na siya ang nagsasabi sa akin ng mga bagay na ito ngayon.
"Marikah, nang sabihin ko sa'yo na kalimutan mo ang mga sinabi ko noong undas, hindi ibig sabihin non ay pinaglaruan ko lamang ang damdamin mo, kundi dahil gusto kong ulitin ang aking mga sinabi noong undas sa'yo, ngayon mismo."
Hinawakan ko ang kaliwang kamay niya at mas tinitigan siya. Habang nasa kanang kamay niya ang bouquet of sunflowers.
Tandang-tanda ko ang mga katagang sinambit ko sa kanya nang gabing iyon.

BINABASA MO ANG
The Doctor Series #1 : My New Life is You
RandomWhen Sychelle Dayle Fernandez, the love of Hideo Canliagn's life, passed away, his world shattered. A part of him died with her, leaving a void that no amount of success could fill. As the owner and lead surgeon of HC Medical City, Hideo threw himse...