Devotion
Ang tunay na pag-ibig ay hindi lamang matatamis na salita o panandaliang saya. Ito ay isang banal na pangako—isang pusong handang umunawa kahit masakit, isang kaluluwang nagpapatawad kahit hindi humihingi ng tawad, at isang diwang nananatili kahit walang katiyakan. Ang pag-ibig ay hindi makasarili; ito ay isang sakripisyong kusang loob, isang tiwalang hindi nagdududa, at isang alay na walang hinihinging kapalit. Sapagkat ang tunay na pagmamahal ay hindi natitinag ng panahon, hindi sinusukat ng layo, at hindi kailanman nagwawakas.
👨⚕️HIDEO ADONIS3 weeks ago...
"What if? Ulitin mo ang confession mo kay Nurse Marikah? Ang sagwa talaga ng November 1 eh..."
Napatingin ako kay Dok Rat habang nagbabasa muli ng mga papeles sa isang folder. Narito na kami sa opisina ko. Kanina pa ako tapos mag-rounds at hindi ko na naman alam kung bakit nandirito siya.
"Huh? Paano?"
Gusto ko na nga makalimutan muna kahit paano ang kapalpakan ko na nag-confess sa araw mismo ng mga patay. Tapos, pinapaalala naman ni Dok Rat. Talaga nga naman...
Hinihimas niya ang braso niya na kinurot ko kanina.
"Sakit talaga, parang natuklap balat ko ah."
"Sorry, napalakas ba?" pinalislis ko ang sleeve na suot niya.
Namumula ang kurot ko sa kanya. Dahil fair ang kulay ng balat ay madaling mamula.
"Kung kay Dok Philip mo ito ginawa, 'de sana mas masaya."
Inismiran ko lang siya at bumalik sa kinauupuan ko.
"What if nga, ulitin mo nalang ang confession mo? Gawin mong Pasko, mismong birthday niya,'di ba?" suhestiyon niya.
"Paano ko naman gagawin 'yon? Mababawi ko pa ba mga nasabi ko sa kanya noong araw ng mga patay?"
"Nang ko po... edi bawiin mo, sabihin mo is a prank!"
Napasapo ako ng noo sa sinabi ni Dok Rat. Sinasabi ko na nga ba at hindi matino ang suhestiyon na sasabihin niya sa akin.
"'Wag naman gay'an!"
"Ala eh, paano ga?!"
Kunsabagay...
Napatingin ako sa monitor at nakita ko sa CCTV footage na nasa labas ng opisina ko si Marikah. Nanlaki ang mga mata ko kasanay ng pagkabog ng aking dibdib.
"Dok Rat! Look! Nasa labas siya ng office ko!"
Mabilis siyang nagtungo sa gawi ko at napatingin sa monitor.
"Jusko po rodeh! Ano'ng gagawin mo n'yan?" tanong niya.
Sabay kaming napatingin sa pinto nang marinig namin ang pagkatok ni Nurse Marikah. Natutuliro na ako dahil mas nauna pang mag panic sa akin si Dok Rat.
Napatayo ako at humarap sa kanya.
"Ganito, sa sleeping room ko muna ikaw. 'Wag kang lalabas, kakausapin ko siya."
"Ano ngang sasabihin mo?"
Hindi ko siya sinagot, tinulak-tulak ko siya patungo sa pinto ng sleeping room ko rito sa opisina ko. Sa katunayan ay wala pa akong tulog matapos kong tumapos ng surgery kaninang madaling araw. Hindi na ako nakatulog dahil sa sipa ng kapeng barako na pina brew ko. Sa sobrang tapang ay baka maipaglaban ko na ang nararamdaman ko kay Marikah.
Binuksan ko ang pinto at tinulak siya papasok doon.
"Walang mag-iingay, walang lalabas ha?" bilin ko sa kanya.

BINABASA MO ANG
The Doctor Series #1 : My New Life is You
RandomWhen Sychelle Dayle Fernandez, the love of Hideo Canliagn's life, passed away, his world shattered. A part of him died with her, leaving a void that no amount of success could fill. As the owner and lead surgeon of HC Medical City, Hideo threw himse...