Christmas
Ang tunay na kahulugan ng Pasko ay hindi makikita sa makislap na ilaw o magagarang handa, kundi sa pusong handang umunawa, magpatawad, at magmahal nang walang hinihintay na kapalit. Sapagkat ang Pasko ay pag-ibig—isang pagmamahal na nagbibigay, nagsasakripisyo, at nagpapala.
📿 MARIKAH SYCHELLE
Unang araw ng Simbang gabi. Ako'y nalulumbay pa rin sapagkat hindi na talaga umuuwi ng mansion si Dok Hideo. Kapag nakikita ko naman siya rito ay sobrang abala niya sa kanyang mga surgical procedures lalo na maraming naho-hospital ngayong holiday season. Mabuti na lamang at nasabihan ko si Mang Guido na sunduin ako ng maaga pagtapos ng duty ko dahil magsisimbang gabi ako sa Sto. Domingo Church.
Ito ang unang pagkakataon na magsisimbang gabi ako sa ibang simbahan sa taon na ito. Kailangan kong kumpletuhin ang siyam na gabi sapagkat kinasanayan ko na rin ito lalo na at kaarawan ko mismo ang araw ng pasko.
Nagulat ako na hindi natuloy ang pagkawala ng duty ni Dok Philip. Pero nakiusap siya na kung maaari ay pagkatapos na lang ng Disyembre at dapat daw ay pati si Nurse Chrystallene ay naka-leave. Pumayag naman daw si Dok Canliagn. Kaya kung araw-araw ay mayamot si Nurse Chrystallene. Siya kasi ang tipo ng Nurse na talagang dedicated sa kanyang tungkulin. Hindi ko pa siya nakita na lumiban sa kahit na ano'ng shift.
At simula nang mag-Disyembre ay hindi na rin nagpakita si Dok Canliagn dito sa Hospital. Walang siyang kahit na isang surgical procedure na naka schedule sa buwan na ito. Hindi rin siya umuuwi ng Mansion kaya wala akong ideya kung nasaan siya o kung ano ang kanyang ginagawa.
"Bukod sa naiinis ako na wala akong duty next month ay mas naiinis pa rin ako na hindi na naman nagkaroon ng Christmas decorations at sariling Christmas party itong unit natin, makikisampid na naman tayo sa ibang unit." Mapaklang sambit ni Nurse Chrystallene.
Isinara niya ang kanyang laptop matapos mag-encode.
"Mabuti na iyon, upang makapagpahinga ka naman. Pwede naman na hindi tayo mag-join sa Chrismas party ng ibang unit kung hindi ka komportable..." malumanay kong sagot habang nakatulala lamang sa pasilyo.
Nagbabakasali ako na lumitaw na si Dok Hideo. Pero wala, kahit ilang araw ko na itong ginagawa. Maski sa kapatid niyang si Nurse Harmony ay hindi niya rin alam kung nasaan ito ngayon.
"Ah basta! Naiinis ako! Araw-araw akong maiinis! Sana ibalik na ako sa Pediatrics, nami-miss ko na ang mga kiddos." Lumabi siya.
Mabuti pa nga siya ay naiikot ang bawat departments. Pero ako, simula nang ma-hired ako ay dito lamang ako sa Surgery.
"Talaga bang hindi nagpaparamdam ng ganitong buwan si Dok Hideo?" biglang tanong ko kay Nurse Chrystallene.
Sasagot na sana siya pero biglang may nagsalita. "Masanay ka na, Nurse Marikah," sabay kaming napalingon ni Nurse Chrystallene kay Nurse Harmony.
"Hindi talaga nagpaparamdam si Kuya sa buwan na ito dahil bukod sa allergic siya sa Christmas ay ito ang buwan na hindi siya tumatanggap ng surgery cases." Paliwanag niya.Pumukaw ng aking tingin ang hawak niyang box na siyang inilapag niya cubicle ko.
"Para sa 'yo 'yan, Nurse Marikah. Actually, isang buwan na yata 'yan sa station namin. May isang babae raw na hinahanap ka lagi rito. Pero bilin mo nga 'di ba? 'Wag sasabihin kung nasaan ka."

BINABASA MO ANG
The Doctor Series #1 : My New Life is You
RandomWhen Sychelle Dayle Fernandez, the love of Hideo Canliagn's life, passed away, his world shattered. A part of him died with her, leaving a void that no amount of success could fill. As the owner and lead surgeon of HC Medical City, Hideo threw himse...