Jealousy
Ang panibugho ay hindi tanda ng pagmamahal kundi ng takot—
takot na mawalan, takot na hindi sapat, at takot na may ibang mas karapat-dapat.📿MARIKAH SYCHELLE
Hinawi ko ng marahan ang kamay ni Dok Philip nang akma nitong pupunasan ng tissue ang luha ko.
"Ako na po, Dok..."
Kinuha ko sa kanya ang tissue at ako na ang nagdampi sa pisngi ko.
"Kanina mo pa ako hindi sinasagot, Nurse Marikah. Bakit ka umiiyak? At sino'ng nagpa-iyak sa 'yo?" tanong niya at muling ibinulsa ang kanyang mga kamay sa bulsa ng white coat niya.
"Wala po Dok, may kinimkim lamang po ako na sama ng loob at hindi ko na kinaya kaya napahagulgol na lamang ako." Paliwanag ko, sapagkat iyon naman ang katotohanan.
Masyado kong niloloko ang sarili ko na isipin na ayos lamang ako matapos kong malaman ang patungkol sa namayapang kasintahan ni Dok Hideo.
Hindi ko rin mawari ang aking sarili kung bakit ako labis na nasasaktan.
Dahil ba sinasabi niya lang na mahal niya ako, na gusto niya ako dahil lang kapangalan ko namayapa niyang kasintahan?
"Hulaan ko, patungkol 'yan kay Doctor Canliagn 'no?"
Napaurong ang leeg ko sa kanyang sinambit.
"Bakit naman po nasali sa usapan si Dok Canliagn?"
Nagkibit balikat siya. "Wala lang, ramdam ko lang...at alam ko lang."
"Paano niyo po nalaman?" may pagtatakang tanong ko.
Hindi ko naman nababanggit ang bagay na ito kay Nurse Chrystallene dahil baka madulas lamang siya kay Dok Hideo. Lalo na ngayon ay panay ang pang-aasar niya sa akin patungkol kay Dok Hideo.
Ngumisi siya. "See? Tama ako 'di ba?"
Kumunot ang noo ko. "Po? Hindi ko po kayo maintindihan, Dok?"
Napailing na lamang siya at muling napatingin ng direkta sa akin.
"Gusto mo siya, kahit hindi man ito nanggagaling sa iyong mga salita. Ang mga mata mo naman ang nagsasambit ng iyong pagtingin sa kanya."Ako naman ang napayuko. Hindi ko naman iyon itinatanggi.
"Hey, okay lang 'yan, ang mabuti pa bumalik na tayo sa loob. Patapos na ang break mo 'di ba?" tanong niya sa akin.
“Yes Dok, mabuti pa nga po.”
Nauna siyang tumalikod at naglakad pabalik sa loob mg Hospital. Nakasunod lamang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa Nurse Station ng Surgery. Saktong nandoon na si Nurse Chrystallene. Kaagad na nangasim ang mukha niya nang makita si Dok Philip.
“At ano na naman ang ginagawa mo rito, Dok Philip? Walang araw na hindi kita nakikita.” Asiwang tanong ni Nurse Chrystallene.
Abala siya sa pag-check ng hawak niyang chart kaya hindi niya napansin ang pamumugto ng aking mga mata.
“Ito naman kaka-duty lang, nalimutan mo na ba na Assistant Nurse kita?”

BINABASA MO ANG
The Doctor Series #1 : My New Life is You
RandomWhen Sychelle Dayle Fernandez, the love of Hideo Canliagn's life, passed away, his world shattered. A part of him died with her, leaving a void that no amount of success could fill. As the owner and lead surgeon of HC Medical City, Hideo threw himse...