Missing
Sa bawat pintig ng puso ko, pangalan mo ang sigaw. Sa bawat saglit na lumilipas, ikaw ang hinahanap.👨⚕️HIDEO ADONIS
"Ano kamo?! Nag-confess ka kay Marikah noong araw ng mga patay?!"
Hindi pa rin makapaniwalang bulalas ni Dok Rat matapos ko itong sabihin sa kanya.
"Anak ka talaga ng tatay mong—pogi! Bakit naman sa dami ng petsa ay November 1 mismo?!" Naihilamos niya muli ang palad niya sa mukha niya.
Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko na sabihin sa kanya ang ginawa ko ng gabing iyon. Pero iyon ay hindi lamang bugso ng damdamin ko kundi tunay na nadarama ko para kay Marikah.
'Di ko nga lang naisip ang petsa nang oras na iyon. Kaya mukhang ayaw din maniwala ni Marikah. Wala akong narinig na na sagot sa kanya, sa makatuwid ay nagpaalam lamang siya na gusto na niyang matulog at magpahinga. Tila doon lamang ako nagising sa kung ano ang aking nasabi. Iniisip ko tuloy kung labis siyang hindi nagingkomportable sa aking mga pinagsasabi.
"Ang mahalaga, nasabi ko na."
"Eh, ano'ng sagot niya?"
Napatingin ako sa kanya saglit at muling tumuon sa binabasa kong papel.
"Wala siyang naging sagot."
"Ay siya! Malamang na-turn off yown. Sino ba naman kasing matinong tao ang aamin ng feelings niya sa mismong araw na iyon 'di ba?"
Kunsabagay...
"Sana maisip niya na kaya ako nag-confess sa ganoong petsa, upang malaman niya na patay na patay ako sa kanya."
Lalo siyang napa-ismid sa sinabi ko, "What the heck?!"
Kinuha niya ang kape niya na nasa tasa at inisang tungga iyon.
"Alam mo, Dok? Parang nabalewala lahat ng turo at tips ko sa'yo. Oo gusto kong mag-confess ka, pero hindi ko naman sinabi na sa araw ng mga patay! Ako yata ang mas may kailangan ng losartan kaysa sa'yo eh!" Napahawak siya sa batok niya at huminga ng malalim.
Napahinto ako sa pagbabasa at binitawan muna ang mga papeles na hawak ko. Bumaling ako sa kanya at mataman na tinitigan siya.
"Bakit ka ba naka wig na kulay brunette d'yan? Para saan 'yan?"
Nabigla pa ako kanina, akala ko ay Doktora ang pumasok dito sa opisina ko. Alam ko kasi ay si Dok Rat lamang ang hindi kumakatok kapag pumapasok sa opisina ko.
Nag-flipped siya ng mahabang buhok na wig niya. Mukha naman siyang babae kapag nag-wig. 'Wag lamang titingin sa katawan niya dahil broad talaga ang katawan niya. Laking tao niya rin niya rin kasi, magkasingtangkad lang yata kami.
"Malakas ang trip ng nagle-labor kong pasyente, ayaw maglakad gusto raw niya makita akong naka-wig para raw ma-motivate siya maglakad. Pinagbigyan ko, buntis naman." Inayos-ayos niya ito.
Nailing lamang ako at kinuha ang kape ko na siyang lumamig na. Wala akong choice kundi inumin na lang din.
"Ang dedicated mo talaga as OB-GYN, ganyan ba talaga kapag magkaka-anak na?"
Napakasaya ko ng ibalita niya sa akin ito. At tama nga aking hinala na talagang may pagtingin siya kay Headnurse Cat. Halata naman kasi.
"Oo sobrang saya kaya sa feeling. Paano na 'yan? Kumusta na pakikitungo sa'yo ni Marikah?" tanong niya.

BINABASA MO ANG
The Doctor Series #1 : My New Life is You
RandomWhen Sychelle Dayle Fernandez, the love of Hideo Canliagn's life, passed away, his world shattered. A part of him died with her, leaving a void that no amount of success could fill. As the owner and lead surgeon of HC Medical City, Hideo threw himse...