Expectation
Ang pag-ibig na nababalot ng inaasahan ay parang isang bulaklak na itinanim sa lupang hindi angkop—pinaglaanan ng panahon, inalagaan nang buong puso, ngunit unti-unting nalalanta sapagkat hindi sapat ang pag-aalaga kung hindi tama ang pundasyong kinalalagyan. Sa huli, ang mga talulot nito ay nahuhulog, isa-isa, habang ang pangarap ng pamumulaklak ay unti-unting nagiging abo ng pagkabigo.📿 MARIKAH SYCHELLE
Buong akala ko nang gabing iyon ay nagbibiro lamang siya. Dahil sino'ng matinong tao ang magtatapat sa'yo ng damdamin niya sa araw mismo ng mga patay?
Kaya hindi talaga ako nakasagot nang gabing iyon. Bagkus ay inubos ko na lamang ang hot chocolate na iniinom ko, pagkatapos ay nagpaalam ako sa kanya na inaantok na ako kahit na ang totoo ay hindi naman. Nauunawaan naman siguro ng Panginoon kung bakit ko kailangan magsinungaling nang mga sandaling iyon.
Pero ang totoo lang, hindi ako makatulog nang mahiga na ako sa kama ko. Paulit-ulit akong nagpabaling-baling sa kinahihigaan ko. Iniisip ko kung seryoso ba talaga si Dok sa kanyang mga sinabi. Dahil kung totoo man iyon... Edi dapat akong kiligin!
Umulit na naman ako nang pag-ikot sa kama at sa pagkakataon na iyon ay nahulog na ako. Mabuti na lang at carpeted ang floor ng bawat silid sa tahanan nila. Kundi ay baka nabukulan na naman ako.
Bumalik ako sa kama ako na para bang walang nangyaring pagkahulog. Nakatitig lamang ako sa maliit na chandelier ng silid ko. Tanging lamp na lamang ang nagsisilbing liwanag ngunit ang diwa ko ay gising na gising pa sa kakaisip.
Kaya ang ginawa ko nang sumapit ang alas dose ng gabi at hindi pa rin ako nakakatulog ay napilitan ako na kumain ng dalawa melatonin gummies.
Alam kong hindi advisable na kumain ng dalawa nito pero ginawa ko na upang maging mabilisan ang bisa.
Ay maya-maya nga habang nakatitig ako sa ceiling at binibilang ang bawat krystal ng chandelier ay nakaramdam na ako ng pamimigat ng talukap ko. Huling sumagi sa isipan ko ang mukha ni Dok Hideo. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa dami ng mga nangyari ngayong araw ng mga patay na siyang lubusang naging magandang ala-ala sa akin. Isa itong pag-gunita pero may mag-confess.
Kinabukasan nang magising ako ay alas dyes na ng umaga. Pang-apat na araw ng akong sick leave kaya siguro hindi nila ako ginagambala sa aking pagtulog. Ihahabol ko na lamang ang mga dasal na hindi ko nagawa kaninang mahimbing pa ang aking pagtulog.
Nakaramdam na ako ng gutom kaya nagpasya ako lumabas ng aking silid. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Manang Dona. Hawak niya ang isang pumpon ng sunflowers na may mga daisies.
Ang mga paborito kong bulaklak!
"Magandang umaga, Marikah 'nak. Pinabibigay sa 'yo ni Dok Hideo, ibigay ko raw pag-gising mo. Sakto at patungo ako rito sa silid mo upang maglinis."
Ilang segundo akong napatulala sa mga bulaklak. Dahil kagigising ko lang ay sinigurado ko na hindi ako nananaginip—na talagang gising na gising ako.
Tuluyang ibinigay sa akin ni Manang ang mga bulaklak. Napahawak naman ako rito.
"Nililigawan ka ba ni Dok? Ako'y natutuwa naman at sa wakas ay nagbalak na iyon manligaw muli matapos ng walong taon." Buong tuwang sambit niya.
Napatingin ako kay Manang.
"Po? Ligaw?"
"Ay sus, talaga nga naman. Bumaba ka na at may almusal na sa dining area, nakatakip lamang. Lilinisin ko muna itong kwarto mo para mas bumuti na rin ang pakiramdam mo."
Wala akong nagawa kundi ang mapatango na lamang. Tuluyang pumasok si Manang sa loob ng silid ko at isinara ito.
Palihim akong napapangiti at inihiga sa kanang kamay ko ang bouquet of sunflowers at daisies na ito.

BINABASA MO ANG
The Doctor Series #1 : My New Life is You
RandomWhen Sychelle Dayle Fernandez, the love of Hideo Canliagn's life, passed away, his world shattered. A part of him died with her, leaving a void that no amount of success could fill. As the owner and lead surgeon of HC Medical City, Hideo threw himse...