Hold
Ang paghawak ay hindi lamang tungkol sa pagkapit sa isa't isa sa gitna ng bagyo, kundi tungkol sa pananampalataya na ang pag-ibig ninyo ay mas malakas kaysa sa anumang unos. Ito ay pagtitiwala na kahit ang mga sugat ay maghihilom, at ang mga luha ay magpapalalim sa inyong kwento.📿MARIKAH SYCHELLE
Napaka bilis ng mga araw na nagdaan, ngayon ay dalawang araw na lang ay Disyembre na. Parang kailan lamang nang dumalaw ako puntod ng magulang ko upang gunitain ang kanilang kamatayan. Ang araw din na iyon ay hindi ko malimutan matapos kong makita si Dok Hideo na lumuluha habang nasa Shrine of Our Lady of Caysasay kami. Maging ang mga bagay na naganap nang kami ay tuluyan ng umuwi.
Habang nasa pinaka gitna ako ng aisle at nakatingala sa hinahangaan kong fiasco art ng simbahan ay napapikit ako upang damhin an presensya ng Panginoon. Ganito lagi ang aking nadarama sa tuwing magtutungo ako rito. Ang tahimik at napaka gaan na presensya ng buong simbahan na siyang sumimbolo na dito'y tunaz na nananahan ang Espiritu santo. Ngunit nagtaka ako sapagkat hindi ko na ramdam na nakasunod pa rin sa akin si Doc Hideo sa mga sandaling ito.
Napalingon ako at nakita ko siya na nakatulos lamang sa kinatatayuan sa bandang unahan ng aisle habang nakatingala rin sa fiasco. Mas napansin ko ang pag-agos ng luha sa kanyang mga mata.Napahalukipkip ako sa strap ng dala kong bag habang pinagmamasdan siya. Nang tuluyan siyang mapaluhod dahil sa paghihina ng kanyang mga tuhod ay mabilis akong lumapit sa kanya upang daluhan siya.
"Dok!"
Napaluhod din ako habang patuloy siya sa paghugulgol. Sa totoo lang ay hindi rin alam ang aking gagawin sapagkat sa mga ganitong pagkakataon ay hinahayaan lamang namin na maglabas ng emosyon o saloobin ang isang tao na siyang nasa loob ng simbahan. Walang kahit na ano'ng panghuhusga sa kanyang kasalukuyang nadarama. Ngunit napangunahin ako ng aking pag-aalala sa kanya. Tila ba nadarama ko rin ang bigat ng kanyang pasanin.
Hindi man ito ang unang beses na nasilayan ko siyang lumuha sa aking paningin. Sa pagdaing ay lubusan kong nauunawaan ang lalim ng isang sugat na hindi pa mahihilom sa ilang taon pa ang lumipas. Hindi ito nadadaan sa madalian. Tanging Panginoon lamang ang nakakaalam ng takdang oras ng ating paghilom.
Tumayo ako upang hayaan muna siya upang mas mailabas niya ang emosyon na kanyang kinikimkim. Tunay na nagmimilagro ang simbahan na ito upang mas magkaroon ng kalinawan at kapayapaan ang damdamin at kaisipan ng kung sinuman ang tumitingin sa mapaghimalang fiasco art. Kaso pagtalikod ako ay bigla kong naramdaman ang paghawak niya sa palapulsuan ko.
"Dito ka lang... 'wag mo akong iiwan, please..." sambit ni Dok Hideo sa pagitan ng pagluha.
Napatingin ako sa kanya at hinayaan lamang siya na hawak ang palapulsuan ko. Itinukod niya ang isang kamay niya sa arm rest na siyang upuan ng simbahan upang muling makatayo. Ramdam ko ang pangangatal ng kanyang mga kamay habang hawak ako. Nang tuluyang mapatayo ay kinuha niya ang panyo niya sa kanyang bulsa at pinunasan ang luha niya, saka muli huminga ng malalim.
Nananatili akong nakatitig sa kanya habang nakahawak pa rin siya sa palapulsuan ko na tila ayaw na itong bitawan. Mahigpit ito ngunit hindi masakit ang pagkakahigpit ng hawak niya. Napalunok ako sa kakaibang pagsikdo ng puso ko. Nadarama ko ang kakaibang kuryente sa sistema ko dahil sa pagkakahawak niya sa akin.
"Ilabas mo lamang ang emosyon na siyang makapagpapagaan ng pakiramdam mo, Dok. Nandito lang ako."
Muli niyang ibinulsa ang panyo at napatingin sa akin. Tuluyan na magkaharap kami sa isa't-isa.

BINABASA MO ANG
The Doctor Series #1 : My New Life is You
RandomWhen Sychelle Dayle Fernandez, the love of Hideo Canliagn's life, passed away, his world shattered. A part of him died with her, leaving a void that no amount of success could fill. As the owner and lead surgeon of HC Medical City, Hideo threw himse...