Elegy
Ang bawat patak ng ulan ay tila luha ng kalangitan, nagdadalamhati sa pagkawala ng iniibig. Ngunit sa likod ng ulap, may araw na naghihintay, handang magbigay-liwanag sa mga pusong sugatan.
📿MARIKAH SYCHELLE
Hindi ko maiwasan na mapangiti nang ilagay ko sa lababo ang dalawang bowl ng pinagkainan namin ni Dok Hideo. May tatlong araw na rin akong naka sick leave. Ramdam ko naman na nakakabawi ang katawan ko. Isa na rin siguro sa dahilan ay nakakaligtaan ko ang pag-inom ng mga vitamins na siyang libre naman na ini-issue para sa aming mga Health care workers. Minsan kasi pag-uwi ay mas ginugusto ko na lamang na magpahinga.
Dala na rin na nag-iba ang shift schedule ko kaya nag-adjust ng sobra ang body clock ko. Pero sa unit pa rin naman ako ni Doctor Hideo nakahanay. Kami pa rin ni Nurse Chrystallene ang magkasama. Pero ang student-Nurse na si Mraxia namin ay nalipat sa ibang unit. Sa labor and delivery, pero napapadaan naman siya sa station at ikinu-kwento kung gaano kasungit si Doctor Rat Velaroza. Sinasabi niya sa amin na sana ay malipat uli siya sa unit namin. Pero wala kaming magagawa sa parteng ito sapagkat kailangang maranasan ng mga student-nurse ang lahat ng units upang ma-expose sila.
Kaya masaya ako na pinayagan ako ni Dok na dalawin ang puntod ng mga magulang ko kahit pa na dapat ay nagpapahinga pa rin ako base na rin sa bilin ni Dok Ivo. Laking pasalamat ko sa kanya sa pagtingin sa akin nang gabing iyon. Hindi ko namamalayan na may ilang buwan na rin pala ako Nurse sa HC Medical City.
Hindi ko man naranasan ang Foundation night this year ay ayos lamang sapagkat napanood ko sa telebisyon at na-feature ito sa mga articles, magazine, at news papers na siyang puro litrato ni Dok Hideo ang nandoon habang isinasagawa niya ang kanyang speech.
Kaya ang ginawa ko ay kinuha ko ang lahat ng babasahin kung saan naka- feature ang Foundation night celebration maging si Doc Hideo. Dinala ko ang mga ito sa aking silid at doon binasa isa-isa habang nagpapahinga. Hindi naman kasi pinapansin o binubuklat man lang ng mga tauhan at kasambahay sa tahanan nila Dok dahil mas abala ang mga ito sa kanilang mga smart phones o sa telebisyon.
Nang buksan ko naman ang messenger ko ay nag-chat lamang kami ni Nurse Chrystallene upang kumustahin ako at sabihin na nami-miss na niya ako. Kasabay non ay nagpasa rin siya ng mga links ng articles kung saan naka feature si Dok Hideo.
Hindi ko pinindot ang mga ito dahil hindi ko alam ang susunod na gagawin dahil natatakpan ng parang advertisment ang buong artikulo kaya mas pinili ko na lamang na magbasa ng pisikal na kopya. Tapos ay nagpapadala pa ng video si Nurse Chrystallene kung saan naka-play sa LED screen billboard ng HC Medical City si Dok Hideo.
Sana raw ay maibalik na ang commercial poster ng HC na siya raw ang model. Isa talaga ako sa humahanga sa napaka among mukha ni Nurse Chrystallene. Napapangiti rin ako nang mga araw na binabasa ko mga iyon. Pagkatapos ay kinuha ko ang journal book ko at ginupit ang mga pages ng diyaryo or magazines kung saan feature si Dok Hideo at idikit ang mga ito roon.
Edi hindi ako na-bored. May nagawa ako sa tatlong araw kong hindi pag-duty bukod sa pagdarasal. Itinago ko iyon sa ilalim ng kama ko.
Pagbalik ko sa mesa kung saan kami nakaupo ni Dok Hideo ay dito ko lang napansin na nakasunod sa akin si Malen. Siguro ay dumating na ang kapalitan niya dahil dumaragsa na ang mga tao sa lomihan. Mas marami ang pumapasok na crew kapag hapon at gabi.
Naupo siya sa katabing upuan ko.
"Crush mo si Dok, 'di ga? Ala eh, napansin ko ang ngiti mo kanina!" May pang-aasar na sambit niya habang kipkip ang menu book.

BINABASA MO ANG
The Doctor Series #1 : My New Life is You
RandomWhen Sychelle Dayle Fernandez, the love of Hideo Canliagn's life, passed away, his world shattered. A part of him died with her, leaving a void that no amount of success could fill. As the owner and lead surgeon of HC Medical City, Hideo threw himse...