Prologue | Completely Lost

1.7K 37 4

Writer's Note:



Hello guys!


So may Book 3 nga 'yung Young Love series. Ano na mga friend? HAHA!


Well, may third book nga and expect that I'll be updating very much longer here because I am now busy with work na rin kaya hindi ko rin mabubuksan ang Wattpad kapag nasa office ako or kahit pag-uwi ko sa bahay. So, a little bit of patience and understanding lang, hah? Ayokong makakita ng super demanding comments na "Mag-UD ka na po" or anything that would ask for an update. I swear, matagal-tagal din akong makakapag-update. But, I will try to update this once in a while kapag may time. ;)


So True Love is the third book of the Young Love series. Parang trilogy ata itong pinagsusulat ko dito at first time ko gawin iyon. Halos on-going pa rin ang pag-e-edit ko dito and among the three books, this is the shortest of them all and also the last one. Basta, last book na ito ah! Wala nang kasunod! Sagad na sagad na ang feels ko dito kaya itodo na ito!


Anyway, hindi ko na patatagalin pa ang inyong paghihintay! This is the prologue of True Love. Don't forget to comment, and to vote!


********************************************************************************************


Jeron's POV



"Tangina, miss ko na si Mika!" Ito na naman ako at umiiyak na naman sa harapan ng best friend ko at saka umiinom na naman ako sa bote ko ng beer, "Bro, tatlong taon na ang nakalipas at hanggang ngayon eh siya pa rin talaga."


"Bro, I am sure uuwi din si Mika. I am sure that there will be a reason for her to come back home. At saka, hindi naman pwedeng nandoon na siya sa London diba? Besides, her job is not for a lifetime. Kung hanggang saan ang makakaya niya, then doon lang ang kaya niyang ibigay," payo sa akin ni Thomas.


"Tatlong taon na rin akong umaasa na sana maging kami. Pero mukhang late na ata ako eh. Game over na ata," at pinakita ko sa kanya ang cellphone ko na may Instagram post ni Mika na kasama si Alex, "Ang saya nila pareho. Tangina, nakakainggit!"


"Baka hindi naman talaga sila. Alam mo naman na nagtatrabaho na rin si Alex doon sa London kaya for sure nagkikita sila palagi. Besides, maraming Pilipino doon kaya paniguradong madaming i-e-entertain na suitors si Mika."


Bumuntong hininga na lang ako. Umaasa na lang ako na babalik si Mika sa akin. Desperado na kung desperado pero siya lang talaga ang gusto ko. Pucha, 30 years old na ako pero ito pa rin ako hanggang ngayon: single, old, and lonely.


"Alam mo, umuwi ka na sa condo mo at may training pa tayo bukas!" Sita sa akin ni Thomas, "Ikaw talaga at nakikipag-ayaan kang mag-inuman eh wrong timing pa! Pagagalitan tayo ni coach niyan!"


"Oo na, sige na! Uuwi na ako! Regards na lang kay misis mo ah!" Tumayo na ako at hinatid ako ni Thomas palabas ng bahay nila. Sumakay agad ako ng sasakyan at saka nag-drive na ako pauwi sa condo ko.


Ang daming nagbago sa loob ng tatlong taon. 'Yung mga matalik kong kaibigan eh nagsipag-asawa na sila at sobrang saya ko para sa kanila. They finally found their home with their wives and they will live a happy ever after. Eh paano naman ako? Mukhang magiging binata na lang ba ako?


Ayoko. Ayokong mabuhay mag-isa.

True LoveBasahin ang storyang ito ng LIBRE!