Chapter 27
Mikha Lim
Habang nagfi-filming kami sa sunset, hindi ko talaga maiwasang mawalan ng focus. Ang ganda ng paligid, pero ang utak ko ay laging nakatali sa mga iniisip ko. Lalo na nung tumatawag si Aiah kanina at kung anong nangyayari sa kanya ngayon. Lalo pa at nasa Europe siya, kasama yung Luis na yon, at ako... nandito sa Paris, pilit na umaarte sa harap ng camera pero ang utak ko ay nasa ibang lugar.
"Mikha, focus!" sigaw ni Direk mula sa gilid, ang boses niya puno ng inis. "Anong nangyari? Hindi 'yan ang eksena!"
Sobrang nakakainis. Bakit ba hindi ko kayang mag-focus? Napansin kong ilang beses ko nang ulitin ang scene, at hindi ko pa rin nakuha. Naiinis na ko at lahat ng kilos ko puro padabog at padaskol na.
"Sorry, Direk," sagot ko, kahit na medyo malakas ang tono ko. Hindi ko alam kung paano ko kaya tapusin ang eksenang ito. Halata na ang inis sa mukha ko—hindi ko na kayang itago.
Nagpatuloy ang filming, at bawat take ay nagiging mas mahirap. Hindi ko maipaliwanag, pero pakiramdam ko ang layo ko kay Aiah. Ang init ng araw ay hindi ko na nararamdaman, at kahit ang mga huni ng ibon sa paligid ay hindi ko naririnig.
"Mikha, kung hindi mo pa makukuha 'yan, magpapa-break tayo," sabi ni Direk na medyo galit na rin.
Nakita ko sa mata niya ang dismaya, sa pagkabigo sa pag-arte ko. Alam ko na ako lang ang may kasalanan sa lahat ng ito, pero paano ko ba itatago ang nararamdaman ko?
Pagkatapos ng break, bumalik kami sa set at sinimulan ulit ang filming. Sa wakas, nakuha ko rin ang tamang execution ng eksenang kanina pa namin inuulit. Medyo nabunutan ako ng tinik, pero hindi rin ako makarelax nang todo dahil alam kong ang susunod na scene ay mas mahirap para sa akin.
"Alright, Mikha, Sophia, next scene na tayo," ani Direk habang tinitingnan ang script. "Prepare for the kissing scene."
Napatingin agad ako kay Sophia, at tulad ng inaasahan ko, ngumiti siya ng nakakaloko. Mukha pa siyang excited na excited habang nag-aayos ng lipstick. Ako naman? Halos gusto kong kumawala sa eksena, pero alam kong hindi ko pwedeng gawin iyon. Trabaho ito, at kailangan kong maging professional, kahit na gusto kong sumigaw sa frustration.
"Okay ka lang, Mikha?" tanong ni Direk nang mapansin niya ang tahimik kong pagtayo sa gilid.
"Yes, Direk," sagot ko, pilit na nilalagay ang sarili sa tamang mindset.
Habang naghahanda, naramdaman kong tila ang bigat ng bawat hakbang papunta sa set. Tumayo kami ni Sophia sa tamang pwesto, at habang inaayos ng production ang lighting, panay ang tingin niya sa akin.
"Relax, Mikha," bulong niya sa akin, sabay ngiti. "Pinaghandaan ko na 'to."
Hindi ko siya sinagot. Tumitig lang ako sa kanya, pilit na kinakalma ang sarili. Sa likod ng isip ko, hindi ko maiwasang isipin si Aiah. Paano kaya kung makita niya ito? Ano kaya ang iisipin niya? Sigurado akong magagalit siya, pero wala akong magagawa. Parte ito ng trabaho ko.
"And... action!" sigaw ni Direk.
Habang nagsisimula na ang take, ramdam ko ang kaba sa dibdib ko. Sinabi ni Direk na dapat slow at full of emotions ang galaw namin, kaya naman dahan-dahan akong lumapit kay Sophia. Hinawakan ko ang pisngi niya nang maingat, gaya ng eksaktong utos ni Direk.
Tumingin ako sa kanya, at nakita ko ang bahagyang ngiti niya. She looked so confident, parang sanay na sanay sa ganitong eksena. Pero ako? Naiinis ako dahil bakit kailangan pa ng kissing scene.

BINABASA MO ANG
Fame, Lies, and Love (Mikhaiah Fanfiction)
Fanfictionsi Aiah at si Mikha ay tom & jerry