Nandito na kami sa bahay nila Cloud may hinanda pa lang celebration ang mga magulang nya matalo man o manalo. Dito sa may pool area naka ayos ang mga pagkain kami kami lang din namang magka kaklase ang nandito, syempre pati si Sir Salcedo.
Maaga ang dismissal ngayong finals day ng SBL after game nag open gate na agad. Na late lang kami ng labas dahil syempre nag bihis pa ang mga players namin. Tomorrow balik na sa five pm ang open gate.
Naka linya na sa mga pagkain yung mga kumag. Akala mo mga hindi pinakain kahit kaninang umaga.
Nag stay lang din muna ako dito sa table namin. Isang mahabang lamesa lang ito na kakasya na kaming lahat. Busy sila Tita at Tito kausap at katawanan ang mga kasambahay nila. Si Cloud naman ay umakyat saglit sa kwarto nya.
"Bossing! Ikuha na kita?" Sigaw ni Greg.
Inilingan ko sya "ako na mamaya pag alis nyo dyan. Thanks Greggy." Tumango naman sya at nag focus na ulit sa pagkuha ng pagkain.
Nag tetext ako kay Daddy na late ako makaka uwi ng maramdaman ko ang pag upo ng kung sino sa tabi ko. Pero base sa amoy, si Cloud to panigurado.
"Why are you still here?" He asked.
"Pag naubos na sila don. Hindi naman ako mauubusan ng pagkain eh. Saka tinitext ko pa si Daddy na late ako makaka uwi sa condo." Pinakita ko pa ang phone ko sa kanya.
Hindi naman mahigpit sila Daddy sa paglabas labas ko basta mag sasabi ako sa kanila. Para alam daw nila kung saan ako hahanapin kung sakali man may mangyaring hindi maganda.
"President, bossing kuha na kayo don." Ani Aiden. Isa isa ng nakaka balik yung mga kumag dito sa pwesto.
Madadaanan namin ang parents ni Cloud kaya nung nasa gilid na nila kami huminto ako saglit para yayain na sila.
"Tita, Tito kain na po." Nakakahiya naman kasi kung dadaanan ko lang sila.
"Sige iha susunod kami. Pina una lang namin kayo. Susunod na kami." Tita smiled at me. "Bagay na bagay talaga kayo ng anak ko."
I just smiled shyly.
Tita naman dadating tayo dyan. Easy ka lang po muna.
"Stop pushing your son to Astra hon." Natatawang inakbayan ni Tito ang asawa nya.
"Hon! I really like Astra for our son." Naka simangot na na sagot ni Tita.
I heard Cloud's low chuckle. "You know what Mom let's just eat." Nilingon nya ang mga kasambahay nila na naka tingin din sa amin. "Kain na din po kayo." Yaya nya sa kanila.
Good boy talaga tong bebe ko eh. Minsan.
"Sayang Tita hindi kayo nakanood. Ang intense ng laro kanina." Pagkukwento ni Saint.
"I heard from your adviser here that there's a physical fight between Sloan and you Cloud. What happened?" Tito asked.
"Asaran lang Dad, napikon sya." Kibit balikat na sagot ni Cloud.
"Hindi na ba talaga kayo magkaka ayos anak?" Tanong ni Tita. "You two are buddies before the junior high started."
Mag kaibigan sila ni Sloan? Bakit? Anong nangyari? Hindi na naman ako makaka tulog nito sa kakaisip.
Naramdaman ko naman ang pag tahimik ng lamesa. No one tries to speak up. Tinuloy ko na lang ng tahimik ang pagkain ko para naman hindi mahalata na atat na atat akong marinig ang pinag uusapan nila.
"What's the next event after this Edwin?" Pag iiba ng topic ni Tito. Nakita ko pa ang pag buntong hininga ni Tita.
Si Cloud naman ay tahimik lang dito sa tabi ko. Nag balik din naman sa kanya kanyang usapan ang mga kumag pero kami ni Cloud at T nanatiling tahimik.
