Fond
Ang mga alaala ng taong mahalaga sa atin ay parang init ng araw—hindi laging nakikita, pero laging nararamdaman.👨⚕️HIDEO ADONIS
Nagbabadya na ang pagbuhos ng ulan nang makarating kami sa Lomihan ni Aling Milings. Kadalasan ay mga hapon o gabi ang dagsa ng tao rito. Nakita ko naman na hindi gaano karami ang mga kumakain kaya makakapili kami ng pwesto na tabi ng bintana na siyang overlooking sa bulkang Taal.
Pagka-park ko ay mas lumalakas na ang pag-ambon kaya kinuha ko ang payong at bumaba ng sasakyan. Binuksan ko ang payong at nagtungo sa gawi niya saka siya pinagbuksan siya ng pinto. Mas dumarami ang pagpatak ng ambon kaya inalalayan ko siya sa pagbaba dahil baka matalisod siya pagbaba lalo na at hindi sementado ang kinatitirikan ng parking area. Nang makababa ay kaagad ko siyang isinukob sa payong upang hindi siya maambunan. Pero mas lumabas ang pagbagsak ng ulan.
Nagtinginan kami at natulos sa kinatatayuan namin. Kailangan namin na mas lalong idikit ang isa't-isa upang walang mabasa isa man sa amin.
"Ayos lang ba na kumapit ka sa braso ko? Upang makapasok na tayo sa loob, baka mabasa pa tayo rito." Hinging permiso ko sa kanya upang hindi siya mailang.
"S-sige po, Dok..."
Marahan siyang kumapit sa braso ko at mas nagkadikit ang aming mga katawan, dahil may kasama ng paghangin ang ulan. Nangtanguan kami sa isa't-isa at saka sabay na patakbong nagtungo sa entrance ng Lomihan. Nakasilong na kami kaya ibinaba ko na ang payong, at tuluyan na ngang bumuhos ang napaka lakas ng ulan.
"Kawawa namana ng mga nasa dumalaw sa sementeryo..." piping sambit niya habang nakatingala sa pagbagsak ng ulan.
"May dala naman siguro silang payong."
"Sabagay, palagian naman ang pag-ulan dito sa Batangas."
Sabay kaming pumasok sa loob ng Lomihan ni Aling Milings. Hindi ko na talaga maalala ang huling beses na kumain ako rito kasama si Dino, last year siguro.
"Sister Marikah!"
Sabay kaming napalingon sa tumawag sa pangalan niya. Isa itong babae na siyang nasa counter at naka-apron.
"Milen!" masaya rin na sambit dito ni Marikah.
Nang makalapit ito sa amin ay nag-beso sila sabay nagyakapan.
"Kamusta ka ga? Aba’y buti naman at nakarating kang muli dine! Ang saya ko’t nakita ka uli, parang nagiging banal tuloy ang aming lomihan!"
“Ala eh, dinalaw ko ang mga magulang ko sa sementeryo. Ikaw ga? Aba’y nadalaw mo na imong tatay mo?"
“Ay oo, noong isang araw pa ga.”
Napatingin sa akin ang babae.
“Oo nga pala, siya ga si Dok Hideo Canliagn, ang may-ari ng ospital kung saan ako nagseserbisyo.”
Nakipagkamay ako sa kanya at ngumiti ng tipid. Pinakatitigan niya ako na parang kinikilala.
"Pamilyar ka eh... Kumain ka na dine noon, 'di ga?"
"Oo, kasama ko ang assistant ko."
"Ay siya! Ala eh, naalala ko na ng tuluyan!"
Siguro ay siya ang laging nasa counter nitong Lomihan.
“Siya ga si Milen, ang apo ni Aling Milings. Siya ang tagapagmana ng lomihan na ito. Kaklase ko siya noong mga nursing days ko. Nasaan na si Lola mo?”
“Agay ka, grabehan naman sa tagapagmana. Si Lola ay nirarayuma na kaya pinagpapahinga na. Ala eh, alam mo ga, otsenta na iyon!"
"Ala eh, nawa’y pagalingin siya ng Poon at lalo pa siyang pagpalain."

BINABASA MO ANG
The Doctor Series #1 : My New Life is You
RandomWhen Sychelle Dayle Fernandez, the love of Hideo Canliagn's life, passed away, his world shattered. A part of him died with her, leaving a void that no amount of success could fill. As the owner and lead surgeon of HC Medical City, Hideo threw himse...