Chapter 12

10 0 0
                                        

It was a good sign. Sa mga ipinahayag ni Raven kay Nathalie kagabi, positive na magagawa ni Nathalie na mahulog ang loob sa kaniya ni Raven lalo na't iniimbita siya ng lalaki na lumabas sila kinabukasan. She would make him fall for her. She would do her best to make him crazy for her. At kapag nain-love ito sa kanya ay saka nya ito iiwan. Ipaparanas niya rito ang walang kasinsakit na naranasan nya nang mas panigan nito si Keith kaysa sa kanya, tulad ng naranasan niya nang iwan siya ng mga mahal niya sa buhay------ ang mommy at daddy niya, at si Lola Ezperanza.

Ala-sais pa lang ng hapon ay nasa bahay na si Raven para sunduin si Nathalie. She wore what she learned from Miss Monte. She learned some tips from her.  She was no longer naive when it came to fashion. Hindi na nya kailangang magpunta sa beauty parlor o sa isang fashion consultant. Siya na ang nagpapaganda sa sarili niya. Siya rin ang nag-ayos ng buhok niya. She no longer tied her hair up in pigtails. Iniladlad niya ang buhok at bahagyang kinulot ang dulo.

She was wearing a black heater top dress.  Above-the-knee iyon at humahakab sa buong katawan niya. Kapag nabibihisan pala siya ng ganoong klase ng damit, lalong lumabas ang kaseksihan niya. She was proud na mayroon din pala siyang itinatagong magandang katangian.

Nasa hagdan pa lamang siya ay napanganga na si Raven sa kanya. Hindi siguro nito inakala na mas may igaganda pa siya kompara kagabi. He held her hand when she reached the foot of the stairs. Nagsalimbayan ang mga sagitsit ng boltahe sa katawan niya. Napatingin siya sa kamay nilang magkahugpong. Magpahanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang kakaibang epektong iyon kapag nahahawakan siya nito.

"You're so beautiful,"pahayag ni Raven na ikinapula ng  mga pisngi niya.

Unang beses niyang narinig mula sa bibig nito ang papuring iyon na kay Keith lang nito iniukol.

"Shall we go?" Naiilang sya sa mga titig nito.

Hinalikan nito ang kamay niya. "It will be my pleasure." Hinawakan nito ang siko niya at lumabas na sila.

Kinakabahan si Nathalie na hindi niya mawari. Masaya siyang kasama si Raven. Ngunit humahalo sa damdamin niybng pag-aalinlangan. Tama ba ang ginagawa niya? Paano kung hindi niya mapaibig ito?

Ngayon ka pa ba uurong, nasa 'yo na ang tamang pagkakataon? Grab the chance, Nathalie! Just think what Raven and Keith did to you. Inapi ka nila, diba?

Ang isiping iyon ang nagpalakas ng loob niya. Inalis niya ang kamay ni Raven sa siko at umabrisete siya sa lalaki. Sisimulan na niya ang pang-aakit. Idinikit niya ng bahagya ang dibdib sa braso ni Raven. Alam niyang nabigla si Raven pero hindi nito pinahalata. Maginoong pinagbuksan siya nito ng pinto ng kotse.

Sa Shangri-La restaurant sa Libis sila humantong. Chinese-roofing style ang bubong ng restaurant na madalas makita sa mga historical T.V drama ng Chinese at Korea. Maliit iyong tingnan sa mula labas pero pagpasok ay hindi iisipin na ganoon pala kalawak ang loob nito. Tatlong beses ng nakakain doon si Nathalie. Masasarap ang mga pagkain doon, mahal pero masasabing sulit naman.

Bago pumasok sa main door ng restaurant ay madadaanan ang naggagandahang mga halaman. May makitid na fish pond sa magkabilang side. Maraming iba't ibang kulay ng mga isda ang lumalangoy roon.

Pagpasok nila sa lobby ng restaurant ay bumungad sa harap ni Nathalie ang litrato ni Pope John Paul II. Doon kumain ang nasabing Papa noon bago bumalik sa Vatican City.

Dinala ni Raven si Nathalie sa isang mesang nasasapinan ng pulang tablecloth na may raffles na puti sa laylayan. May nadatnan na silang mga taong kumakain doon. Ang iba ay mga pareha. Ipinaghila muna siya ni Raven ng upuan bago ito umupo sa tapat niya.

Muntik na siyang mataranta nang ngitian siya nito. Iyon ang kauna-unahang sandaling ngumiti ito sa kaniya nang pagkatamis-tamis. Heaven! She must be dreaming. Kinurot niya ang braso at napaaray nang lihim. Totoong nangyayari iyon!

When i see you SMILE( COMPLETE) UNDER-REVISEDМесто, где живут истории. Откройте их для себя