Chapter 1

6K 284 296
                                        

The playlist for IBS, along with their individual playlists, is now public on Spotify. You can easily find it by searching for my profile, Jei Izumi. :)

─── ⋆⋅☆⋅⋆ ───

Mutuals

"Bakit naman gan'yan ang mga tugtugan mo, anak? Pang fuck boy..."

Mas mabilis pa sa kisapmata kong hininaan ang speaker na tumutugtog sa sala upang hindi marinig ni Mama sa kabilang linya. Nalimutan kong ayaw niya nga pala sa music taste ko. Laking Air Supply kasi. Nag-aalburoto sa inis kapag naririnig na pinapatugtog ko ang BMW.

Tumawag siya para sana manermon tungkol sa pangungutang ko kay Hayes na ubod ng sumbongero. Ngunit nang marinig ang pinapatugtog ko, mukhang nalimutan bigla.

"Okay na," natatawang sagot ko.

"Hanggang d'yan sa apartment gan'yan ang pinapakinggan mo? Hindi gaanong sound proof 'yan, anak, ipapaalala ko lang. Maririnig 'yan ng kapitbahay mo kapag masyadong malakas," she began to nag.

Marahan akong napatawa bago sinuklay ang buhok ko nang paatras, bahagya iyong ginugulo. Umupo ako sa couch na naroon, ang kanang braso ay nakadantay sa headrest. I shifted my hips upwards to adjust myself more comfortably in the seat, moving them forward slightly as I sat there, topless.

"Sinasadya ko, Ma. Ayaw akong kausapin eh," pag-amin ko.

My mother gasped dramatically. "I knew it! You'd just cause trouble in there! Kapag talaga nagreklamo ang katabi mong apartment, ako mismo ang magpapalayas sa'yo!"

Nagkibit ako. Edi ayos. Kapag nagreklamo, usap na lang kami. Diretso talking stage na rin kung gusto niya. Pwede naman.

"Hindi 'yon magrereklamo. Ilang araw na ngang hindi lumalabas ng apartment niya. Kulang na lang ako ang magdilig ng mga halaman niya sa labas. Natutuyot na," sagot ko, bakas ang pagiging sigurado sa tono.

She snorted. "Oh? Baka umalis. Bakit hindi mo dinidiligan? Matutuyot nga 'yon! Naku, nakita ko pa man din ang mga halaman niya. Ang gaganda! Alagang-alaga talaga..."

Plantita mode on na naman 'yan. Mas nag-aalala pa sa halaman ng kapitbahay kaysa sa anak niyang bagong lipat. She doesn't even know that my car is currently in the repair shop for maintenance. Naririndi na ako agad sa sermon niya hindi ko pa man nasasabi. Talagang magugulo ang mundo ko.

"Cook something and give it to other tenants, anak. O kung gusto mo, magpadala na lang ako ng food d'yan? Did you have a housewarming party? Mag-invite ka ng friends mo. Do you want to invite your cousins?" she said, her voice brimming with excitement.

I let out a sigh and leaned my head back against the couch's headrest. "Ikaw bahala..."

"Perfect! I'll organize the party for you, anak. Bukas na agad!" nagmamadaling sambit niya at pinatay na ang tawag nang hindi hinihintay ang sagot ko.

Wala na akong nagawa. Kapag si Mama ang nag-asikaso, siguradong imbitado lahat ng mga malalapit kong kaibigan. She knows all my friends. Mutuals niya pa sa social media. Kaya kapag may inutangan ako, sa kanya na nagsasabi kapag hindi ako nagbabayad.

Lumabas ulit ako upang tignan ang kabilang apartment. The doors and window blinds were still closed. Ang tanging naghihiwalay sa aming mga portiko ay ang pasimano, ngunit may nakapatong na mga halaman doon na paniguradong sa kanya lahat.

In Between Seasons (Sweater Weather Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon