Chapter 15

474 9 0
                                        

MM's POV

"Are we complete?" Tanong ni Pres.

"Yes Pres!" Sabay sabay na sabi namin.

Finals na ngayon kaya mas maaga kaming papasok kesa sa mga kaklase namin na hindi players. Kung tuwing normal school days ang gamit namin na service ay yung van nila Vice ngayon naman ang gamit namin ay van nila Pres. Susundo pa kasi ng ibang kaklase yung van na service talaga namin.

Maaga kaming papasok kasi.... Wala lang.

Hindi ko rin kasi alam kung bakit kami maaga pumasok na mga players eh. Bukod sa finals ngayon.

Kinalabit ko si Toby na katabi ko "bakit tayo pumasok ng maaga?" 7 am lang kasi.

"Hindi ka ba nagbasa ng gc?" Tanong nya na inilingan ko na lang.

"Yung huling convo lang binasa ko. Yung inulit ni Vice yung announcement." Kamot ulong sabi ko.

"Warm up sa room. Saka basic offense and defense. Para daw hindi na mag pagod mamaya at pahinga lang sa dugout."

Ah ganon pala.

Malalagpasan na sana namin yung room ng section 1 ng bigla namang lumabas yung mga maka kalaban namin mamaya.

"Cloud...." Si Sloan "..mukhang bantay sarado mo yung kaklase nyong babae ah."

Pres halted from his steps and turned around to look at them. Hindi sya nag salita he just looked at him coldly.

"Oh common. Don't hide her. Let her explore and enjoy her remaining year in high school."

Ang aga mo Sloan. Pag nag init ulo sayo ni Pres mag lalaro kang may pasa sa mukha sinasabi ko sayo.

"Oh! believe me I'm not hiding her. She's just not like our previous classmates that would easily fall to your flirty moves."

Tama, tama.

Ibang iba si bossing sa mga babaeng nakasama namin sa room. Unang araw pa lang nya sa klase napa bilib na nya kami. Ni hindi nga man lang na intimidate samin yon ginawa agad kaming tropa.

"I'm not flirting with her. I like her and I'm going to ask permission to court her."

Natawa si Pres, yung tawa na alam mong walang laman. Nakakatakot talaga minsan to eh. Blanko na blanko ang tingin nya ngayon halos walang kabuhay buhay.

Nakita ko din ang pag pipigil ng tawa nitong mga katabi ko. Si Vice nga may ngisi pa sa labi. Tangina naman kasi ni Sloan aga aga puro kagaguhan pinagsasabi.

"Goodluck then. Feel free to ask her." Tumalikod na ulit si Pres pero bago sya mag lakad nilingon nya ulit si Sloan. "But I want to remind you, she knew really well who she belongs to." He left with a victorious smirk.

Boom!

Mic drop!

Tinapos na ng Presidente!

Inangkin na ng tuluyan si bossing.

Halata naman sa kilos nilang dalawa. Kaya nga wala ng sumubok na lumapit kay bossing at mag bigay ng motibo samin. Ramdam ko din naman kung sino sino ang may gusto kay bossing sa loob ng room. Kaso nabakuran na agad ng Presidente.

ASTRA's POV

Finals Day!

"Let's go Section 1! Let's go!"
"Let's go Section 1! Let's go!"
"Let's go Section 1! Let's go!"

Pagpasok ko pa lang sa gymnasium marami ng estudyante. Ganadong ganado na agad yung kabilang team.

Nag half day lang ako ngayon since 1 pm pa naman ang laban ng team namin. Nakaka tamad kasi pumasok ng maaga tapos tatanga lang sa room. Mas okay pang tumanga sa bahay naka higa pa ko. Medyo late lang ako ng konti kasi nag uumpisa na ata first quarter.

A Rose Among the ThornsWhere stories live. Discover now