Chapter 2

2M 42.3K 69.4K
                                                  

Mikazuki's PoV

Naupo ako sa tabi ni Bullet na naglilinis ng hawak niyang baril. Kumuha ako ng isang unan, isinandal sa balikat ni niya at saka ako humiga. "Ugh! Nakakapagod"

"Where have you been?" Tanong niya. "Dyan lang, nag-ikot-ikot" Inaantok na sagot ko. "Tumawag kanina sila mommy sa'kin. Hindi mo na naman daw sinasagot ang phone mo" I said. Pumikit na ako dahil pagod na pagod ako sa ginawa ko maghapon. Dapat kasi sumama na dito sila Lovelle, para naman hindi ako ang solong tumutulong kay Bullet.

"I was busy"

"Baka raw pala ma-delay ng 1 or 2 months ang pag-uwi nila mommy at daddy dito. Pero sila Lovelle susunod na raw sila dito after few days,"

"I see"

"Roswell" Bulong ko. Naramdaman ko na lang na umalis si Bullet, kaya bumagsak ang ulo ko sa sofa. Hindi ko na rin pinansin dahil antok na antok na ako.

**Next Morning**

Maaga akong gumising, dahil kailangan kong magtrabaho dahil ako ang tumatayong secretary ni Bullet. Iba't-ibang kumpanya rin ang nakabalitang umuwi kami sa Pilipinas. Kung kaya't madaming nag-o-offer.

I smiled when I found myself on my bed. Hindi na naman bago 'to sa'kin, kahit na hindi ako lumaki sa totoong pamilya ko, I'm just so lucky to have a brother like Bullet. He's the sweetest brother ever! Minsan tuloy naiisip ko, what if hindi sya napahiwalay sa family niya?

Bumukas ang pinto ng kwarto ko. "Gising ka na pala"

"Hindi tulog pa ako, feeling mo lang gising ako" Biro ko. I received a glare kaya binawi ko agad. "Joke lang, ito talaga si Roswell hindi mabiro" Natatawang sabi ko pagkabangon ko. "Gusto mo bang sumama sa'kin mag-mall? Bibili ako ng mga damit and some personal stuffs" I said pagkakuha ko ng towel.

He threw his self on my bed, at kinuha ang isang libro na nakapatong sa side table ng kama. "Sige" He answered. Simula pagkabata namin, ugaling-ugali na niya ang makihiga at makitulog sa kama ko.

I smiled. "Okay, maliligo lang ako"

**

Caliber's PoV

"Baby Caliberrrr!" Pababa pa lang ako ng hagdan nung makasalubong ko ang muret na 'to. Shutanginabels! Kailan ba niya planong magpasa ng resignation form para sa kalandian niya?

Gusto ko syang taasan ng kilay dahil sa lagpas na lipgloss niya. Nakakaloka! Ang lakas ng loob na magpunta dito. "Baby Caliber na-miss mo ba ako?" Ngumuso pa ang bruha! Jusko! Kung wala lang dito si amang hari baka nasampal ko na 'to ng high heels ko.

"Hindi. Umuwi ka na nga. May lakad pa ako" Ipagsha-shopping ko si mother rainbow dahil kanina nagka-crayola na naman kasi ang peg ni inang reyna kanina sa kwarto ni Big brother. Hindi kasi uso kay inang bahaghari ang word na move on, kaya naman ayan MMK ang drama lagi ni mommey. Pero imbis na umalis, ay pumulupot pa sya sa braso ko. Oh ghad!

"Hi Emerald!" And here comes my ever supportive mother rainbow, yey!

"Hi future mom!" I rolled my eyes. Mas matutuwa pa sana ang beauty ko kung kay kuya Trigger sya dumidikit. Like duh!

"Ahm Emerlad, pwede ko ba munang hiramin si Caliber? Hehe, may kailangan kasi kaming puntahan"

"Ganun po ba? Sige na nga si Grayson na lang aayain ko. Buti pa si Grayson lagi akong sinasamahan" Inikot ko ng 360 degrees ang mga mata ko. Myghad! Feeling naman ng muret na 'to mag-ge-Gelli de Belen ang beauty ko sa mga pinagsasabi niya.

My Husband is a Mafia Boss (Season 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon