0.5: You're The One That I Want

461K 4.5K 708

Chapter .5: You're The One That I Want

Para sa mga incoming 4th year highschool students, isa siguro sa mga pinakaboring na gagawin nila ay ang summer review classes. Well, sino ba naman ang may gusto na mag-review habang summer vacation? Imbis nasa bahay ka lang, nagpapahinga, mapipilitan ka pang ungkatin yung past lessons na kinalimutan mo ever since.

Pero sa barkada nina Leiza, sya lang ang na-iisip nito.

"Do I really have to join you, guys!?" medyo asar na bulong ni Leiza kina Bee at Jean.

Parang hindi sya narinig ng dalawang kasama nya. "Grabe Jean I'm reaaaally excited! Sino kaya sa kanila ang magiging classmates natin for one month?" sabi ni Bee.

"Iisa lang naman tong Brain Train dito sa lugar natin, so baka mga taga SMHS at St. Martins. At FYI Bee, ikaw lang ang excited."

"ANO BA TEH!! Bakit ba hindi kayo excited ha?! Hello! We're doing this for our future's sake! Malay mo sa pagrereview natin this summer, makapasa tayo sa UPCAT. Di ba diba?" nakangiti pa ito sa mga kausap.

Leiza & Jean: (O__O) SUS MANIWALA KAMI SAYO!!! 

"HAAAAA?!? HELLOO LEI AND JEAN!!! You know me, I'm very very studious!" nagpose pa si Bee na parang nagrereview. Halos masuka ang kausap nya.

Napailing na lang si Leiza. "Bee, knowing you.. hindi naman pagrereview ang habol mo dun! Gusto mo lang makakita ng gwapo!"

"EXCUSE MEEEE! GUSTO KONG MAGREVIEW NOH!!!!"

"MANIWALA! Di ba 5 months ago sabi mo hindi ka mag-eenrol sa Brain Train? Ano nga ba yung exact na sinabi mo nun!?"

" 'Brain Train? Sus maniwala ako dyan! As if tatalino ako pag nagreview ako dyan!' " equipped Jean. Nag-high five pa ang dalawa.

"ANG BUBULLY NYO!! Masama na bang magbago ng isip ha!? Kainis kayo! I'm a reformed woman!"

"You're barely 16, Bianca. Ewww!"

Nagpatuloy ang tatlo sa kakadaldal habang papunta sila sa kanilang school, St. Lawrence Academy. Hindi naman sa pagmamayabang, pero sa tatlong school sa lugar nila, ang St. Lawrence na ang pinakamalaki sa lahat. Nakakagulat nga na dito nila naisipan ng Brain Train na ganapin ang batch review classes for April. Sa second batch lilipat sila sa St. Martins.

Pagdating nila sa school..

Leiza: (define nganga facial expression) Geez! Ang daming tao!!! Sure ba kayong batch 1 lang to?! This is.. whoa!

Jean: Narinig ko kay Tita na almost 200 tayo sa first batch. Mas trip daw ng iba na magreview ng April kesa May e.

Bee: Malas nung magrereview ng May! Wala na mga pogi dun!

Leiza & Jean: SABI NA NGA BA E!!! MUKHA KA NA NAMANG LALAKI DYAN!!!

Bee: Just sayin'! Eto namang dalawang manang na to!! Hindi marunong makaappreciate ng pogi! :>>>

Jean: Hoy, marunong kaming makaappreciate, kaso hindi naman kami lantaran katulad mo!

Nanahimik naman si Leiza. Masyado syang kinakabahan sa review classes na ito. She can't tolerate people other than her schoolmates! Alam nya kasing maiirita lang sya sa mga taga ibang school. All girls kasi ang SMHS at all boys naman ang St. Martins. Kung minamalas nga naman oh!

Bee: OH MY GOD OH MY GOD OH MY GOD!!!!!!!!

Leiza & Jean: (nataranta) BAKIT?! ANONG MERON!?!

If I FallRead this story for FREE!