Chapter 26
Jhoanna Robles.
Habang abala ako sa pag-aayos ng blueprints sa office, naisipan kong mag-scroll sa laptop ko habang nag-aantay ng kape. Pero halos natapon ko ang hawak kong ballpen nang makita ang isang headline sa entertainment news.
"Top Models Aiah Arceta and Luis Reyes Spotted Together at NAIA for Upcoming Europe Trip!"
Nanlaki ang mga mata ko habang binabasa ang article. May kasamang picture pa sila—magkasabay na naglalakad papasok sa terminal, parehong naka-shades, at mukha pang close na close.
"Putang ina!" Napahiyaw ako nang mahina tsaka napahampas sa table at sabay tingin sa paligid kung may nakarinig o nakakita. Wala naman, kaya nagpatuloy ako.
Agad kong kinuha ang phone ko at binuksan ang group chat namin nina Colet, Gwen, at Mikha.
Nag-type ako nang mabilis.Group Chat | Nonchalant pero Overdramatic
Jhoanna: "Hoy mga gago! Nakita niyo na ba yung news? Kasama ni Aiah yung Luis na yon sa Europe trip! Pakyu, Mikha, kailangan mo 'tong makita!"
Sinend ko rin yung screenshot ng article at picture na nakita ko. Hindi pa man nagre-reply yung mga kasama ko sa GC, naisip ko nang dagdagan pa ang message.
Jhoanna: "OA na 'to, men! Tapos magka-holding hands pa ata sa picture na to! Jusko, gusto ko nang sipain 'tong screen ng laptop ko!"
Makalipas ang ilang segundo, nagpop-up na yung reply ni Colet.
Colet: "Legit ba to? Ano ba yan, bakit sumabay si Aiah sa daga na yan!"
Sumunod si Gwen.
Gwen: "Anong holding hands, gago? Wala naman ah. Pero tangina, parang ang sweet nila dito. Ano to, couple goals?!"
At syempre, si Mikha. Napansin ko na seen lang ang mga messages namin. Alam kong binabasa niya lahat, pero wala siyang reply. Kaya hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko.
Jhoanna: "Mikha, ano? Ano masasabi mo dyan? Kung ako sayo, suntukin mo na yung Luis na yan pagbalik nila!"
Halos mabaliw ako sa pag-aabang ng reply nila. Sa totoo lang, hindi ko alam kung nagrereact lang ako dahil trip ko lang manggulo o dahil nakikita ko na talagang wala sa mood si Mikha lately mula nang mag punta siya sa Paris para sa new movie niya.
Natawa ako nang mahina nang mabasa ang reply ni Gwen sa group chat. Seryoso talaga siya sa plano niya—parang battle strategy para sa isang mission. Nag-message siya ng mahabang listahan sa GC, at habang tinitignan ko, nagdududa ako kung totoong gagawin niya 'to.
Gwen: "Eto ang plano:
1. Mag-book ng flight to Europe ASAP.
2. Maghanap ng hotel malapit sa location ni Aiah or mag check in din sa hotel kung nasaan siya.
3. Magdala ng disguise para hindi tayo mahalata.
4. Observe Luis Reyes at lahat ng kilos niya.
5. Sabotahe kung kailangan."
Nag-reply agad si Colet, parang mas lalo pang nagpa-ignite sa plano ni Gwen.

BINABASA MO ANG
Fame, Lies, and Love (Mikhaiah Fanfiction)
Fanfictionsi Aiah at si Mikha ay tom & jerry