Chapter 25

785 21 0
                                    

Chapter 25

Mikha Lim

Habang nakahiga ako sa kama ng hotel, hawak ang phone, tinawagan ko sina Jhoanna, Colet, at Gwen sa group chat. Pagkatapos ng ilang ring, sabay-sabay silang sumagot, halatang maingay sa kabilang linya.



"Oo, ano balita?" bungad ko habang nag-aadjust ng camera. Kakatapos lang ng shooting ko at talagang pagod na pagod ako sa paulit-ulit na tinatake ang isang scene.


"Hoy, Mikha, alam mo ba…" panimula ni Jhoanna, pero naputol siya dahil tumatawa na si Gwen sa background.




"Ano na naman kalokohan niyo?" tanong ko, nakakunot ang noo pero natatawa na rin.




Si Colet ang sumagot, "Ganito kasi 'yan. May ginawa kami…"



Pagkatapos nilang mag-unahan sa pagsasalita, naikwento rin nila sa akin ang lahat—mula sa pagsunod nila kay Aiah sa workplace nito hanggang sa pagbutas nila sa gulong ng sasakyan nung lalaki sa pagtambay pa nila sa coffee shop maghapon para bantayan si Aiah.


Napailing ako, pero hindi ko napigilang matawa. "Teka, binutas niyo talaga yung gulong?"




"Oo!" sagot ni Gwen, halos maluha na kakatawa. "Si Jho pa nga unang sumipa sa gulong, tas ako, ginamitan ko na ng skills para butasin yun!"




"Eh si Aiah? Ano sabi niya?" tanong ko, interesado sa reaction niya. 




"Ayun, tumawag siya ng Grab para sa lalaki," sagot ni Jhoanna, pilit na pinipigil ang pagtawa. "Pero Mikha, eto pa ang malala bago siya tumawag ng grab—nag-offer pa siya na ihatid yung lalaki! Kaya no choice kami, sumulpot na kami para ma-stop siya."





Napangisi ako, ramdam ang magkahalong saya at inis sa kwento nila. "So anong sinabi niyo? Paano niyo na-explain bakit kayo nandun?"



Nagtinginan pa sila sa camera bago sumagot si Colet, "Nagpanggap kami na nagkataon lang na nasa area kami, tas gusto lang namin siyang makita." aniya pa at hindi man lang tumingin sakin sa tingin ko nag mamaneho siya.



Hindi ko napigilan ang tumawa nang malakas. "Damn, mga baliw talaga kayo. Paano kung nahuli kayo ni Aiah na gumagawa ng kalokohan?"




"Eh di nahuli!" sabat ni Gwen, sabay tawa ulit. "Pero Mikha, aminin mo, na-solve namin ang problema mo, 'di ba?"




Napailing ako, pero may ngiti sa labi. "Oo na, oo na. Salamat na lang sa effort niyo. Pero next time, wag masyadong obvious, baka ma-figure out kayo ni Aiah."




"Walang next time!" sabat ni Jhoanna. "Promise namin, Mikha. Pero...aminin mo, ang saya!"




Tumawa ulit kami, at kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko. Sila talaga ang mga taong handang gumawa ng kahit ano para lang maiganti ako—kahit sa mga simpleng bagay tulad nito. Tuloy tuloy ang kwentuhan namin hanggang sa biglang mag tanong si Jhoanna.




"Eh Mikha, tanong lang," biglang sabi ni Jhoanna, nakangisi sa camera habang nakahiga siya sa sofa. "Ano sa tingin mo ang mas masakit? Shotgun o sniper?"


"Shotgun, syempre!" sagot ni Gwen na parang sigurado. "Point blank yun, diretsong wasak!"



"No! Mas masakit ang sniper!" kontra ni Colet, sabay sulyap sa screen ng phone. "Masakit din kaya yun. Diretso sa puso, malayo pa yung tumira."



Jhoanna laughed. "Eh ikaw Mikha? Ano ang mas masakit? Sniper or shot gun?"



"Mas masakit pa rin yung ginawa ni Aiah… na pakikipagdate sa Luis na 'yon." wala sa sariling sagot ko.



Fame, Lies, and Love (Mikhaiah Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon