This should be posted before Chapter 47. Hehe nawala sa isip ko. Enjoy! 🤭
Clarisse MonasterioApollo and Chaos both shook their heads in frustration. We all did. What made us even more frustrated was we didn't know who to blame for all the mess that's happening right now.
"Kung sino ang nagpasimuno ng pagganti na iyan, iyon ang dapat sisihin." sabi ni Anais bago sumimsim sa wine glass niya.
Kahit kailan talaga ay palagi siyang naghahanap ng sisihin. Hindi na ako nagtataka pa kung bakit halos karamihan sa mga pinsan naming babae ay nakakaaway niya.
Ako na lang ang hindi. She won't dare to mess with me. Alam niyang wala siyang magiging laban sa akin kung sa talim lang rin ng dila ang pagbabasehan.
She was tactless and definitely got it from her Mom.
But I got it from my mother, too. Who has the blood of Trinity Follosco... which also runs through my veins. Samahan pa ng isang Adrianna Monasterio.
"Iyong gusto ninyong sisihin, abala sa lovelife niya kaya hindi mahagilap. Bihira na nga raw nila makita sabi nitong si Dustine." sagot ni Storm.
"How's Dice? We seldom see him." walang emosyon na tanong ko kay Dasha, ang bunsong anak nina Tita Adrestia.
She shrugged her shoulders. Masama ang tingin niya sa alak na nasa harapan niya at alam ko na kanina niya pa gustong uminom no'n. Her brothers won't let her drink yet. She's already twenty years old but they still treat her like a baby.
"The last information I heard about him was that he's in some province. Nagsisibak daw ng kahoy."
Kumunot ang noo ko. "Nagsisibak? Bakit? Naghihirap na siya?"
Nagkibit balikat ulit siya. Sa ekspresyon ng mukha niya, para bang gusto niya nang tigilan ko ang pagtatanong.
"Look, kahit pa si Dice ang nagplano ng paghihiganti diyan kay Ruth, we can't still blame him for everything that's happening right now..." pukaw ni Sienna sa atensyon namin, anak ni Tita Isha. "Matanda na si Duke para maging sunod-sunuran sa kapatid niya. Ginusto niya rin ang maghiganti at hindi pinilit. Kasi nga, hindi ba? Juan for all, all for one tayo?"
"That's what you get for planting that motto in your head. Kapag alam ninyong mali ang isa, suwayin n'yo na at huwag nang gatungan pa."
Humalakhak si Anais. "Yes, Teacher Daphne. Bakit hindi mo sinabihan ang mga kuya mo kung ganoon?"
See? She's really a bitch. Pati sariling pinsan, mamalditahan.
"Because I didn't know? Hindi ba at nalaman nating lahat nung nagpunta lang si Ruth sa birthday ni Mama? May amnesia ka ba?" taas kilay na tanong ni Daphne.
"Ate, can I smoke?" Tabitha whispered in my ear. She's next to Chaos.
Tinaasan ko siya ng kilay. "You tell that to Zoilus. Let's see kung makauwi ka pa sa bahay ni Mommy."
Ngumuso siya. I know about her smoking habit. I accidentally caught her one time in the bathroom. Pinagsabihan ko pero hindi rin para ilaglag ko sa mga magulang namin.
I'm not sure if it's gonna be fine with Mommy since Lola Trinity was also smoking during her younger years. She's a cool mother so maybe... yes.
Pero kay Daddy? Just like my brothers... strict and overprotective sa mga kapatid at pinsan na babae.
"Hindi ko rin alam saan kumukuha ng kapal ng mukha iyang si Ruth. She's very aware naman na ayaw natin sa kaniya dahil sa ginawa niya kay Priscilla." It was Shiloh, one of Tita Isha's daughters, too.
