Chapter 14

490 9 0
                                        

"Nasa kondisyon ba kayo?" Tanong ni Adam.

Second day of SBL today so it means Section 1 ang kalaban ng team ngayon. Nandito pa kami sa room since Section 2 & 3 pa ang nag lalaro sa gym. Actually pwede silang mag practice or warm up dito sa room, kaso malala ang bilib ng mga ito sa sarili nila kaya ito petiks sila.

"Pre kahit wala kami sa kondisyon walang binatbat yung mga yon." Ryker said.

"Kailan ba tayo natalo ng section 1 sa basketball? Puro angas lang naman yon." Sagot ni MM.

Tulad ng mga normal na araw, kalat kalat ang upuan namin. Kanya kanyang pwesto. Nandito ako sa teacher's chair naka upo habang naka pangalumbaba, naka harap sa kanila.

"Bossing may wipes ka?" Tanong ni Greg na kakatapos lang kainin yung bigay ko na chocolates.

"Hindi ka ba marunong kumain? Turuan kita?" Tanong ko sa kanya.

Paano ba naman kasi napaka dungis nag kalat yung chocolate sa bibig nya.

"Paanong hindi kakalat? tunaw naman yung chocolates na binigay mo."

Aba't!

"Kasi di ba ang sabi ko i ref mo muna sa inyo kasi malambot pa nga. Tapos ngayon sisisihin mo ako bat ang dungis mo. The audacity!"

"Natakam na ko eh. Kaya sa susunod dapat naka ref na yung chocolate na ibibigay mo bago mo ibigay sakin."

"Hindi ko kinakaya yung kapal ng mukha mo...." Napa
sapo na lang ako sa noo. "Nasa bag ko yung wipes. Sa pouch na beige."

Binalik ko ang atensyon ko sa ibang kumag.

"Thanks bossing." May nilapag sa table ko si Greg.

"Ibal-" naputol na agad yung sasabihin ko ng makita ko kung ano yung nilapag nya sa table.

"GREEEEEEG!"

"Ano? Bakit!? Di ko naman inubos ah." Tarantang lingon nya sakin. Nandoon na kasi sya ulit sa kumpulan nila Oli.

"Di ba sabi ko beige na pouch!"

"Bakit? Wipes naman yan ah. Basa naman to ah." At ang gago pinunas pa ulit sa bibig nya yung wipes na hawak nya.

Hindi ko malaman kung tatawanan ko ba sya o mumurahin eh.

"Greg! Feminine wipes yan!" Halos gusto ko iumpog yung ulo ko sa table ng mag tawanan yung mga kumag.

Lumapit pa sa table ko si Jude para tignan yung balot ng wipes.

"Ang tanga mo Greg. HAHAHAHA"

At pinag pasa pasahan na nila yung feminine wipes ko. Si Greg halos natuod na don sa pwesto nya.

"Okay lang yan Greg mukha ka namang, you know." Pang aasar ni MM dito.

Nakarating na sa pwesto nila Cloud yung wipes at talagang ini inspeksyon nila yon.

"Bakit kasi may ganyan ka sa bag?!" Sigaw ni Greg na mukhang naka recover na sa katangahan nya.

"Gago malamang babae ako kaya may feminine wipes ako."

"Hala! Baka mag transform yung mukha ko. Baka mag mukhang p*kp*k to."

Tangina talaga!

Halos hindi na maka hinga yung iba kakatawa dahil sa katangahan nitong si Greg.

Inabot naman sakin ng pulang pula na si August yung wipes.

"You never failed to make us laugh Greggy boy." Hayden said.


Nandito na kami ngayon sa gym. Our section's players are already at the dugout. The rest of us are already here at the bleachers wearing red shirts.

"I'm nervous." Bulong ko kay Aiden.

A Rose Among the ThornsWhere stories live. Discover now