Chapter 42

936 58 21
                                    

A/N: Hindi ko mabuksan yung wattpad ko kasi nakalimutan ko yung password ng account kung saan 'to nakalagay. Buti nalang talaga at mabait si lord sa akin pinaalala niya pa. Muntik na sanang hindi matapos ang story na 'to poreber HAHAHAHAH skl. Anyways, happy reading! :*

Vaine Fleur

"Hala! May nagbabalik!" nanlalaki ang mga mata na sigaw ni Aiah nang makita ako.

Napailing nalang ako habang nakangiti papalapit sa pwesto nila.

"Vaine! Or should I call you Dr. Vaine Fleur Alvarez?" nang-aasar na sambit niya.

"Baliw. Hindi pa ako doktor." natatawang sambit ko at mahina siyang hinampas.

"Uy, sakto. Pa check nga ako ng blood pressure, Doc." bati ni Kevin sa akin.

"Siraulo." sabi ko sa kanya sabay fist bump.

Good thing na halos nandito lahat ng mga nakakasama ko sa karera. Nakakamiss din yung mga panahon na lagi ko silang kasama eh. Pero ganun talaga, nagbabago din yung priorities sa buhay.

"So, anong hangin ang umihip sayo at pumunta ka ulit dito?" tanong ni Aiah sa akin.

"Namiss kong pakainin kayo ng alikabok eh." kibit ang balikat na sambit ko.

Nakarinig naman ako ng iba't ibang reaksyon galing sa kanila nang sabihin ko iyon.

"Wala ka talagang pinagbago. Mayabang ka pa rin." umiiling na sambit ni Kai, isa din sa mga kaibigan ko dito.

"Hindi kayabangan ang pagsasabi ng totoo." nakangisi kong sambit.

"Oh, doon natin dalhin yan sa race track nang magka-alaman. 100k na ako oh." sabi ni Justin sabay labas ng pera niya na mukhang kakakuha lang sa bangko dahil nakatali pa.

"Naghihirap ka na ba? Dagdagan mo. Kinakalawang na yang si Vaine, tagal na niyang hindi nagkakarera eh." sabi ni Aiah.

"Fine. 200k na ako." sabi niya sabay labas ulit ng 100k.

"Yaaannn! Ano? Game?" nakangising tanong ni Aiah sa akin.

"You gonna regret it." nakangisi ko namang sagot habang umiiling.

"Tingnan natin. Akin na pusta mo." sabi niya sa akin.

Inilabas ko naman ang 1,000 na nasa wallet ko at ibinigay yun sa kanila.

"Ano 'to? Ang lalaki ng pusta namin tapos ito lang sayo?" kunot ang noo na sabi ni Kevin.

"Asa naman kasing makukuha niyo yung pera ko pero sige, kapag nanalo kayo iba-bank transfer ko nalang." sabi ko sa kanila.

"Konti nalang talaga liliparin na ako sa sobrang lakas ng hangin dito." pagpaparinig ni Aiah sabay yakap sa sarili.

"Akin na." nakangisi kong sabi saka inilahad ang kamay ko sa kanila.

Bagsak ang balikat naman nilang ibinigay sa akin ang mga pusta.

600k in just one race. Not bad.

"Thanks. Next time ulit." nang-aasar kong sabi sa kanila.

"Aalis ka na? Inuman muna tayo. Tagal ka na naming hindi nakakasama eh." sabi ni Kevin na tinganggihan ko naman.

"Next time nalang. May duty pa ako mamaya eh. Dumaan lang talaga ako dito para bisitahin kayo at magpatanggal na rin ng stress." sabi ko naman sa kanila.

"Punta ka ba sa garahe mo?" tanong niya ulit.

"Anong gagawin ko don?" kunot ang noong sabi ko.

Alam naman nilang nasunog yun eh.

What Are The Chances? (ProfessorXStudent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon