12- The Criminal-

1.6K 47 5
                                    

PILIT inihakbang ni Kisses ang mga paa palabas ng silid ngunit masiyado iyong mabigat. Ginugutom na siya pero hindi niya makuhang lumabas. Sumimangot siya at hinaplos ang kumakalam na sikmura. Mukhang ikukulong na lamang niya ang sarili sa kuwarto.

Hindi niya kayang lumabas at harapin si Gian. Hindi mabura sa kanyang isipan ang mga narinig kagabi. Kahit takpan niya ang mga tainga ay naririnig pa rin niya iyon.

Napapadyak siya. Hindi niya malaman kung anong dapat gawin. Hindi niya maunawaan kung bakit napadpad siya sa ganoong sitwasiyon.

This whole damn thing was frustrating the hell out of her. Kapag hindi pa siya nakalabas ay baka tuluyan na siyang takasan ng katinuan.

Siya lang yata ang ka-isa-isang taong dumanas nang ganoong sitwasiyon.

First, she was held captive when all she ever wanted was freedom.

And her abductor was a damn evil man. Kailangan na niyang umalis kundi baka ikamatay na niya.

"Just kill him."

Pumikit siya at umiling nang gumuhit iyon sa isipan. Ibinagsak ni Kisses ang kanyang katawan sa kama at pilit itinapon ang mga salita ngunit paulit-ulit pa rin iyon na nag-echo.

"I don't care. Just fucking kill him."

Hindi na niya namalayan na dumaloy na pala ang luha sa kanyang pisngi. Ni hindi niya naramdaman ang pag-iinit ng ilalim ng kanyang mga mata. Nakatuon ang kanyang atensiyon sa mahinang bulong sa kanyang isipan.

"Kill!"

Mabilis na bumukas ang kanyang mga mata nang mapagtanto niya ang nagaganap. Dumaloy ang takot sa buo niyang sistema. Panay ang kalabog ng puso niya.

Ang narinig ba niya ang dahilan kung bakit hindi niya maaaring i-underestimate ang kakahayan ni Gian?

He wanted someone to be killed. Maybe that person was as good as dead now.

Nasapo niya ang dibdib nang kumalampag iyon. "Ako na ba ang isusunod niya dahil pinakialaman ko ang mga painting? May kinalaman ba ang taong iyon sa mga larawan?"

She's damn confused! Gian was probably a killer.

But he's a Black Hawk member, hindi ba't obligasiyon nitong tugisin ang mga kriminal?

Damn! Bumalikwas siya nang maalala ang akusasiyon nitong isa siyang terorista.

He held her captive because of the crime she didn't commit when in fact he's the criminal. Double damn!

Tumayo siya at sapilitang hinatak ang mga paa upang lumabas ng silid. Pilit niya ring pinatapang ang sarili sa kabila nang napakarami niyang agam-agam.

Kailangan niyang makausap si Gian. Kailangan niyang makumbinsi ang binata na ibigay na sa kanya ang kalayaan. Wala na siyang pakialam kung mapanganib sa labas. Kung hinahanap man siya ng mga Agustin. Hindi na niya kaya pang manatili roon.

Nahinto siya sa paglalakad nang marinig ang pamilyar na boses. Sinilip niya ang siwang sa pinto patungong kusina. Nakatalikod sa kanya ang isang babae, pamilyar ang auburn nitong buhok.

"It's happening again, right?" hindi man lang nito itinago ang pagtataray. Kahit likod lamang nito ang nakikita niya ay sigurado siyang umirap si Mara.

"Why can't he just die? He should be killed," dumagundong ang galit na boses. Hinanap niya iyon.

Sa kitchen counter ay nakandal si Gian, suot ang puting sando na nakadikit na sa balat dahil sa pawis. Kitang-kita niya tuloy ang hulma ng muscles nito. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa baso, kulang na lamang ay mabasag iyon.

Pinagmasdan niya ang mukha ni Gian. Umaapaw sa sari-saring emosiyon ang mga mata. Halo-halo ang damdamin na hindi niya maunawaan kung alin ang nangingibabaw maliban sa galit.

"Let this go, Gian. It's been two years," sermon ni Mara at nilapitan ang lalaki. Hinaplos nito ang braso ni Gian, ni hindi man lang pumalag ang binata. "Let him go."

"No," iling nito. "He must die."

"You know that you can't kill him," tumaas ang boses ni Mara.

Umiling si Gian. "He will die," may determinasiyon nitong pahayag.

Nanindig ang balahibo ni Kisses sa intensidad ng boses nito. Itinagilid niya ang ulo at sinandal ang kanyang likod sa dingding.

Gulong-gulo ang isip niya habang pinakikinggan ang palitan ng mga salita. Hindi siya dapat nakikinig ngunit hindi siya mapakali. Curiosity and confusion were both killing her.

Somebody must die according to Gian.

Habang dumaraan ang bawat segundo ay mas lalo niyang napagtatanto kung gaano kapanganib ang kinahantungan niya. She was stuck there all because she wanted freedom.

Gusto niyang pagsisihan ang ginawang pagtakas. Pero hindi niya magawa. May bahagi pa rin ng sarili niya na nagsasabi na tama ang kanyang desisiyon. She only wanted to save herself. Ngunit nasaan siya ngayon? Walang nakakaalam kung anong bukas ang naghihintay sa kanya, kung sisikatan pa ba siya ng araw sa mga darating na bukas.

Ugh! Ano ba'ng dapat kong gawin?

"How about Khryzzanne?" nasa malalim siyang pag-iisip nang marinig iyon. "When will you set her free?"

Kumalampag nang malakas ang puso ni Kisses. Pigil niya ang hininga habang hinihintay ang sagot ni Gian.

"She'll stay here until we sort things out. We both know that she couldn't be freed yet, I'm still going to use her," malamig na tugon nito.

Umiling si Kisses, umiling ng isa pa at umiling ulit. Hindi. Hindi na siya mananatili. She must leave.

Hindi na siya maikukulong pa ni Gian.

Dahan-dahan niyang inihakbang ang mga paa palayo sa kusina. Marahan ang bawat hakbang upang hindi lumikha ng ingay. Kausap ni Gian si Mara, siguro naman ay hindi nito pinapanood ang mga hidden camera.

Tumakbo siya patungo sa maindoor.

"Shit!" Mura niya. Secured na secured ang pinto gaya nang inaasahan. Nanginginig ang bawat hibla ng kanyang kalamnan nang tinawid niya ang daan patungo sa backdoor at gaya nang nauna ay mahigpit ang pagkakandado niyon.

Garden? Tumakbo siyang muli. Malutong na mura ang lumabas sa kanya, napaka-hopeless ng ginagawa niya.

Napahinuhod na lamang siya sa lupa at mga tuyong damo. Kasabay ng pagbagsak niya ay ang pagpatak ng luha at ang unti-unting paglubog ng pag-asa. Hindi na napigil pa ang kumawalang hikbi, umiyak na lamang siya sa ilalim ng araw.

Ayoko rito. I don't want to stay with a criminal.

Captivated By Your KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon