Prologue

10.9K 350 170
                                        

"You're a fucking scam, Ysaac. Ako ang sinisingil ni Stavros!"

Napangiwi ako nang marinig ang panenermon ni Hayes sa kabilang linya. It's 7 in the morning, for pete's sake! Umagang-umaga pero paniningil sa utang ko ang bumubungad. Ano 'to, almusal?

Pinatay ko ang tawag saka bumalik sa paghiga sa malambot kong kama. Ilang segundo pa lang akong nakapikit, tumunog na naman ang phone ko.

Papansin talaga. Dami ko na ngang problema, nasingil pa sa utang na inutang ko naman talaga.

Hayes:
utangero ka

Tarantadong 'to. Sinabihan pa akong utangero. Totoo naman, pero masakit pa rin basahin.

Ysaac:
sorry, family genes acting up

I was about to place my phone back on the bedside table when it vibrated again. Knowing Hayes, hindi ako titigilan ng isang 'to kung hindi ako magbabayad. Kung ako mukhang utang, siya mukhang pera.

Sinagot ko ulit ang tawag niya. This time, I was fully awake. Napahilot na lang ako sa sintido dahil sumasakit na agad ang ulo ko. Kapag talaga sinisingil ako, para akong lalagnatin. Allergic siguro ako roon.

"Babayaran mo o ipo-post kita sa Facebook?" pagbabanta niya.

I exhaled deeply. "Dang, bro. Just put the gun to my head and pull the trigger. Wala akong pipiliin, parehas kong ayaw 'yan."

"Si Tita Yna na lang ang sisingilin ko. Dami mo pang reklamo. Napakakunat mo!" inis na sagot niya saka ako pinatayan ng tawag.

Lagot na naman ako sa nanay kong expert sa pera at halimaw maningil. Being a landlady and the owner of several apartment buildings in Manila made her very responsible when it comes to collecting money. Pero bahala na. Ang mahalaga, tantanan na ako ni Hayes. Ilang araw ko nang ringtone ang boses niya at umay na umay na ako.

Ganito ang pagkakaibigan namin, e. Hindi kasi namin mahal ang isa't isa. Nagpa-plastikan lang talaga kami.

I can actually pay off all my debt. I have enough money up my sleeve. Sadyang tamad lang ako mag-transfer ng pera o magbayad ng cash. Mga kaibigan ko lang din naman ang inuutangan ko dahil mayayaman naman sila.

I turned off my phone and went back to sleep for another half an hour. Kung hindi ko pa naalala na ngayon na nga pala ang huling araw ko sa condo unit na tinutuluyan, baka hindi pa ako nagising.

Nailipat na ang mga gamit ko sa apartment na pagmamay-ari ni Mama kahapon. Malapit lang iyon sa campus. Ayaw pa nga niya akong payagan noong una dahil manggugulo lang daw ako sa business niya, pero wala naman siyang magawa dahil ako na ang kusang naglipat ng mga gamit ko roon.

I took one last shower in my unit before packing the remaining clothes from my closet. Pagkatapos ay nagtungo ako sa convenience store na nasa baba para mag-umagahan. Tarantadong Hayes. Sermon ang pinakain sa akin kanina.

Bumili lang ako ng sandwich at tubig saka sinunod ang tips at tricks na sinabi ni Sanjo kahapon tungkol sa pagco-commute.

Tang ina. Talaga nga naman kasing minamalas. Kung kailan ako naglilipat, doon pa ako nasiraan ng sasakyan. Sa sobrang bilis ng karma, dumating agad sa akin. Mas mabilis pa kesa sa parcel na in-order ko eh.

"Manong, Lafuente Autoworks ho. Alam niyo ba?" tanong ko sa isang tricycle driver na tumigil sa harapan ko.

The driver gave a proud nod. "Oo naman. Kahit hanggang Baguio pa, saulo ko 'yan."

In Between Seasons (Sweater Weather Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon