🏥⛪27- Care

1.7K 51 6
                                    

Care
Ang tunay na pag-aalaga ay hindi lang nakikita sa salita, kundi sa mga simpleng gawaing nagpaparamdam ng pagmamahal at malasakit sa kapwa

👨‍⚕️HIDEO ADONIS

Pasado alas singko ng hapon nang matapos kami, naubos na rin kasi ang dalawang bote ng red wine ay nagpasya na rin si Dok Rat na umuwi. Medyo tinamaan na rin si Athena dahil inaantok na raw siya kaya inalalayan na siya ni Dok Ivo patungo sa kwarto niya. Pagbaling ko ng mga mata ko kay Marikah ay abala siya sa pagliligpit ng mga bote at wine glass na ginamit namin. Kaagad ko siyang nilapitan upang pigilan sa takda niyang pagbitbit sa ginamit na board tray para sa charcuterie.

"Hayaan mo na lang 'yan, sila Manang na ang bahala d'yan mamaya." Nakangiti kong sambit sa kanya.

Wala siyang nagawa kundi ang ibaba ito.

"Samahan mo na lang ako na ihatid hanggang sa gate si Dok Rat."

"Sige po, Dok."

Nauna muli ako akong naglakad habang nakasunod siya sa akin.

Nakita ko si Dok Rat na umasim na naman ang mukha habang nakatingin sa amin.

"Grabe talaga ang araw na ito, puro puso. Paano kaya puksain?" parinig niya sa akin.

"You sounds like ampalaya juice."

Umirap lang siya at isinukbit na ang gym bag na dala niya. Siya na ang naunang naglakad habang nakasunod kami sa kanya. Napag-usapan na rin namin kanina bukod sa Foundation anniversary ay mag-rides kami kasama si Dok Ivo upang makapag-bonding naman kaming tatlo. Kaso, hindi lang namin alam kung maisisingit pa sa mga hecting na schedules namin sa mga susunod an buwan lalo na at palapit na ang December.

Napahinto ako at napabugtong hininga. Naramdaman ko na may bumangga sa mula sa likuran ko. Kaagad akong napalingon.

"Marikah!" huli na sapagkat napasaldak na siya sa sahig.

Buong akala ko ay nasa gilid na bahagi ko siya nakasunod, non pala ay sa pinaka gitnang likuran ko pala.

Mabilis ko siyang inalalayan patayo. "Ayos ka lang? Pasensya ka na, akala ko nasa gilid kita..." buong pag-aalala kong sambit.

"Ayos lang po Dok, hindi rin po kasi ako tumitingin sa dinaraanan ko."

"Sure ka? Walang masakit sa'yo ha?" naniniguro ko.

Umiling-iling siya.

"Wala nga raw masakit, kulit mo naman, Dok!" bulyaw sa amin ni Dok Rat na siyang nasa pinto na. Tuluyan na siyang lumabas at pinindot ang key ring ng sasakyan niya upang ma unlocked ito.

Papagabi na kaya kusang bumukas ang mga solar lights na siyang naka install sa labas ng veranda. maging ilaw sa fountain ay bumukas na rin maging sa bandang garden. Lumiwanag ang buong paligid ng ng estate namin. Mukhang naabisuhan na ang mga guards namin na ihanda ang pagbukas ng gate upang makalabas ang sasakyan ni Dok Rat.

"Thanks for this day, Dok Hideo. I really enjoy it!" sabi niya pagkabukas niya sa driver's seat. "Bye to both of you!" sumaludo siya at isinuot ang shades niya bago tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan niya.

Teka? Pagabi na at bakit naka shades pa siya?

Bumusina siya bago niya kami tuluyang lagpasan at dumeretso na sa bumubukas na gate namin. Napatingala ako at napangiti dahil may mga ilang bitwin na akong natatanaw sa mga ulap. It's a good sign na maayos ang panahon sa mga susunod na araw. Lalo na sana sa raw ng Foundation Anniversary. Isang mabilis na araw na naman ang lumipas. Marami na naman akong kailangang asikasuhing papeles bukas. Mukhang wala nga akong kinuhang surgery this month. Ipinasa ko sa mga available na surgeons ng Hospital.

The Doctor Series #1 : My New Life is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon