Wonder
Ang paghanga ay nagsisimula sa simpleng tanong: 'Paano kung?' Ang sagot nito ang nagdadala sa atin sa mga kamangha-manghang posibilidad ng buhay.
👨⚕️HIDEO ADONISPagkatapos namin kumain ay nagpasya kaming lahat na sa movie room ng mansion manatili, bahala na kung gusto nilang manood ng movies o magkaraoke. Sakto naman na nagpagawa si Athena ng charcuterie board kila Manang, pagkatapos ay kumuha ng dalawang bote red wine at one liter na iced tea para naman kay Marikah.
Nauna kami na maglakad ni Dok Rat patungo sa movie room habang tahimik na nakasunod sa amin si Marikah. May binabasa siya sa kanyang mini booklet. Siguro ay dasal.
Ako ang unang pumasok sa room upang buksan ang aircon at ilang led lights. Sa may L shaped na couch. Nauna akong umupo, sinenyasan ko si Marikah na sa tabi ko maupo. Isinara niya anv binabasa niyang booklet at tumabi sa akin. Lihim naman akong napangiti.
Kaagad kong nakita ang pangangasim ng mukha ni Dok Rat, marahil ay nabi-bitter na naman.
"Hanggang dito ba naman? Paawat ka naman, Dok Hideo!"
"Umupo ka na lang d'yan!" singhal ko sa kanya.
"I will never forget this day! Ginawa niyo akong fifth wheel, nasaan ang hustisya? Kapag ako nagka girlfriend uli, araw-araw kitang iinggitin, Dok!"
Bumaling ako sa kanya and I simple wringkled my nose and teased him then I chuckled softly.
Inirapan niya lang ako at sumandal sa couch.
Saktong dumating na sila Athena at Dok Ivo. Dala ni Athena ang Charcuterie board at na kay Dok Ivo naman ang dalawang red wines at isang litro ng iced tea. Pareho nila itong inilapag sa center table maging ang tatlong wine glass at isang tall glass para kay Marikah.
"Pinipikon mo na naman ba ang gurang na si Rat, Kuya Hideo?" puna ni Athena nang mapatingin sa amin.
Sunod niyang inasikaso ang pagbukas ng projector maging ng microphone. Nag-iisip na tuloy ako ng kakantahin ko.
But infairness, nakaka-miss nga naman mag-karaoke. Hindi ko na alam ang huling beses last year siguro?
"Isang gurang mo pa d'yan, Harmony. Bumalik ka na nga sa HC, ikaw lang ang ayos na naging Assistant ko sa Labor and Delivery, iyong mga pinalitan mo takot sa akin."
Natawa si Athena at nailing-iling. "Sino ba naman hindi matatakot sa inyo Dok Rat? Bawasan ang kapaitan ng buhay sa Hospital."
"Sige, i-special request ko na lang si Nurse Marikah na mapunta siya sa Labor and Delivery."
Kaagad akong napatingin sa kanya ng makahulugan. Naglalaro ang ngiting pang-aasar sa kanyang mga labi. Hayan na naman siya sa sakit niya.
"At bakit mo siya gustong mapunta doon?" kaagad kong tanong.
"Ibahin mo naman siya ng unit, Dok. Nang maipakilala ko sa ibang OB-GYN."
Tinikwasan ko siya ng kilay.
"Ayoko, hindi pwede."

BINABASA MO ANG
The Doctor Series #1 : My New Life is You
RandomWhen Sychelle Dayle Fernandez, the love of Hideo Canliagn's life, passed away, his world shattered. A part of him died with her, leaving a void that no amount of success could fill. As the owner and lead surgeon of HC Medical City, Hideo threw himse...