Chapter 24

719 22 0
                                    

Chapter 24

Mikha Lim.

Kinabukasan, nagising ako na parang wala sa sarili. Kahit ang alarm ng phone ko, halos ilang beses ko pang pinatay bago ako bumangon. Wala ako sa mood magtrabaho. Nang tumingin ako sa salamin habang nag-aayos, napansin kong kahit yung usual na confident na postura ko, parang nawawala.

Pagdating sa set, halatang iba rin ang energy ko. Wala akong gana makipag-usap kahit sa mga staff o crew. Si Direk pa nga, napansin na parang tulala ako kanina habang binabasa ang script.

"Okay ka lang, Mikha?" tanong niya habang hawak ang script.

"Yeah, Direk. Pasensya na, medyo puyat lang siguro," palusot ko, sabay pilit ng isang ngiti. Pero sa totoo lang, ang isip ko wala dito sa set—nasa kanya.


Si Aiah.

Hindi ko alam kung bakit ang bigat ng pakiramdam ko mula pa kagabi. Yung picture niya kasama yung lalaki, yung mga biruan nila sa group chat namin, pati yung hindi niya pagsagot sa tawag ko—lahat 'yon umiikot sa isip ko. Ngayon lang ako naapektuhan ng ganito.

Pag-umpisa ng shooting, ramdam kong hindi ako makafocus. Paulit-ulit akong nagkakamali sa linya ko, at kahit simpleng blocking, parang ang hirap sundin.


"Mikha, take five ka muna," sabi ni Direk na halata nang naiinis. Hindi ko siya masisisi.



Tumayo ako at lumakad papunta sa sulok. Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang messenger. May message akong sinimulan para kay Aiah, pero ilang beses ko ring binura. Gusto ko siyang kausapin, pero parang hindi ko alam kung paano sisimulan.

Napabuntong-hininga ako at tumingin sa langit. "Ano ba, Mikha. Ang daming kailangang tapusin dito, pero bakit siya pa rin iniisip mo?" bulong ko sa sarili.


Pagbalik ko sa set, pilit kong kinukuha ang focus ko. Pero kahit anong gawin ko, si Aiah pa rin ang tumatakbo sa isip ko.

Paulit-ulit akong nagkakamali sa mga linya ko. Pati ang simpleng galaw at expression, parang hindi ko magawa ng maayos. Ramdam ko na ang frustration ni Direk, pero mas frustrated ako sa sarili ko. Hindi ko talaga ma-focus ang utak ko.

"Cut!" sigaw ni Direk. Halata na sa boses niya ang inis.

Bigla namang nagsalita si Sophia, "Direk, I think we all need a break. Everyone looks tired, especially Mikha."

Napatingin ako kay Sophia. Hindi ko alam kung nagpapaka-concern siya o may ibang dahilan, pero grateful na rin ako kahit paano.

"Okay, fine," sabi ni Direk, tumingin sa relo niya. "It's already 2 PM. Let's take a break. Be back in an hour, tuloy-tuloy tayo pagkatapos nito. Ayusin natin."

Tumayo ako mula sa upuan ko, pilit na iniwasan ang mga tingin ng ibang staff. Alam kong napapansin nila ang pagiging off ko today. Kinuha ko ang phone ko at dumiretso sa pinakamalapit na sulok para mapag-isa.


Habang nakaupo, pinilit kong alalahanin kung paano ko usually napapaganda ang acting ko, pero kahit anong gawin ko, parang hindi ko magawang mag-focus. Ang bigat pa rin ng pakiramdam ko.


Binuksan ko ang messenger at muling tinignan ang convo namin ni Aiah. Wala pa rin siyang reply o kahit simpleng seen. Yung huling missed call ko, nandun pa rin—walang sagot.

Napahinga ako ng malalim at tumingala sa langit. Gusto kong kumalma, pero ang hirap. Sa bawat segundo, bumabalik sa utak ko yung picture niya kasama yung lalaki. Yung itsura niyang masaya, na parang wala akong parte sa mundo niya sa mga oras na yon.


Fame, Lies, and Love (Mikhaiah Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon