Vaine Fleur
"Hoy!" napatalon ako sa gulat nang hampasin ni Sunny yung mesa sa harap ko.
"Ano ba!" inis na sabi ko habang sinasamaan siya ng tingin.
"Okay ka lang ba talaga? Kanina pa kita kinakausap tapos tulala ka lang jan." tanong niya sa akin.
Bumuntong hininga naman ako saka tumango.
"I'm okay. Pagod lang ako." pagsisinungaling ko naman.
"Sure ka ba? Baka mamaya may problema ka at naglilihim ka na sa amin ha." muling tanong niya na ikina-iwas ko ng tingin.
Nandito ako sa bahay nila Sunny ngayon dahil uminom kami kagabi kaya dito na rin ako natulog at hindi pa ako umuuwi kahit tanghali na. Nakakatamad kasi lumabas ang init pa.
"Wala. Dun ka na nga. Ako nanaman ang nakita mo dito." sagot ko sa kanya.
"Sungit mo naman. Wala ka bang dilig? Kailan ba yung uwi ng jowa mo?" tanong niya sa akin.
"I don't know. Maybe today." sagot ko sa kanya.
"Anong hindi mo alam? Magkaaway ba kayo?" kunot ang noong tanong ni Sunny.
"Yeah. We have a little misunderstanding." sagot ko naman.
"Bakit?" curious na tanong naman ng isa.
"Ang chismosa mo." reklamo ko sa kanya.
"Is it because of her ex? Ano nga ulit pangalan nun? Cyan ba?" tanong ni Sunny na ikinakunot ng noo ko.
"How did you know him? At paano mo naman nasabi na siya ang dahilan?" magkasalubong ang kilay na tanong ko.
"Oh, I saw him with your girlfriend dun sa hospital. Mukha silang nagtatalo eh tas narinig kong binanggit ni Dr. Xanther yung name niya tapos sinabi nung lalaki na babawiin niya daw ang inagaw sa kanya something like that." kwento naman ni Sunny.
"Kailan yan?" tiim bagang na tanong ko
"Last week pa ata yun. Wait, you didn't know?" nagtatakang tanong ni Sunny.
Hindi naman ako nagsalita.
"Oh my god. I'm so sorry! Akala ko alam mo na at yun yung naging reason ng away niyo. Huwag mong sasabihin kay Dr. Xanther na ako ang nagsabi ha." nanlalaki ang mata na sambit ni Sunny.
Agad naman akong tumayo at lumabas ng bahay nila Sunny. Narinig ko pang tinatawag ako ni Sunny pero hindi na ako nag-abala pang lumingon.
Nang makapasok ako sa kotse ay tinawagan ko si Yuna.
"Hello?" sabi ko sa kabilang linya habang pinapa-andar ang sasakyan ko.
"Uy, Ate Vaine! Helloo! Anong atin?" energetic na tanong naman ni Yuna sa kabilang linya.
"Sorry for disturbing. Gusto ko lang sana itanong kung dumating na ba ate mo?" tanong ko sa kanya.
"Yes po. It was yesterday, but she left immediately and hasn't come back yet." sagot naman ni Yuna.
Humigpit ang paghawak ko sa manibela nang marinig ko ang sinabi na iyon ni Yuna.
"May kasama ba siya nung umalis?" tanong ko pa.
"Si Dr. Gonzales, ate." sagot ni Yuna.
Agad na nagpanting ang tenga ko sa narinig. Kahapon pa pala siya nandito pero hindi man lang nag-abalang tawagan o imessage ako na umuwi na siya. Gaano ba kahirap gawin yun? Ang mas lalong nagpakulo ng dugo ko ay nung malaman na magkasama nanaman sila ni Dr. Gonzales. Kulang pa ba na magkasama sila ng ilang araw? Nakakagago na.

BINABASA MO ANG
What Are The Chances? (ProfessorXStudent)
FanfictionYndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echoes through the academic halls. However, beneath her calm facade, a surprising twist emerges. A tale...