Chapter 23
Mikha Lim.
Gabi na at wakas natapos din ang isang scene sa kabila ng paulit-ulit na errors. Pagod ang katawan ko, pero mas pagod yata ang isip ko. Kailangan ko ng hangin, kaya lumabas ako sa veranda ng hotel suite ko.
Tumambad sa akin ang napakagandang tanawin ng Paris sa gabi—mga ilaw na kumikislap mula sa mga buildings at streets. Malamig ang hangin, pero hindi sapat para palamigin ang iniisip ko. Nakatingin ako sa kawalan, sa mga liwanag na parang bituin sa lupa. Pero sa bawat titig ko, siya ang naiisip ko. Aiah.
Pilit kong binalik sa isip ko ang mukha niya. Ang paraan ng pagtawa niya, ang mga tingin niyang minsang nagbibigay ng seguridad sa mundo kong laging magulo. Napahawak ako sa railing ng veranda, mahigpit na parang ayokong bumitaw, parang siya.
Mabigat ang bawat buntong-hininga ko. Sa totoo lang, gusto ko siyang tawagan ulit, pero hindi ko alam kung sasagutin niya. Hindi ko rin alam kung galit pa rin siya sa akin dahil hindi ko agad sinabi ang tungkol sa movie ko.
Napangiti ako nang bahagya habang iniisip kung paano niya itataas ang kilay niya at titingin sa akin ng matalim kapag nakikipag-away sakin. Pero sa bawat ngiti ko, may kirot. Three months akong mawawala. Paano kung lalo siyang lumayo sa akin?
Bumalik ako sa hotel suite at naupo sa kama. Kinuha ko ang phone ko at tiningnan kung may message siya. Wala.
Pinikit ko ang mga mata ko at huminga nang malalim. Kahit nasa pinakamagandang lugar ako ngayon, parang kulang pa rin. Dahil wala siya.
Habang nakapikit, naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko na nasa bulsa ko. Kinuha ko to agad, umaasa na baka si Aiah ang nag-reply o tumawag. Ngunit pagkabukas ko ng screen, nakita ko na sa group chat namin nila Colet at Gwen pala iyon.
Ang daming mentions ng pangalan ko. Halos punong-puno ng "@Mikha" at may kasamang emojis pa. Napakunot ang noo ko at binuksan ang chat. Sa baba, may nakalagay na attachment. Pinindot ko ang picture na sinend ni Gwen.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko iyon. Si Aiah. Kasama niya ang isang lalaki na hindi pamilyar sa akin. Nasa restaurant sila ni Jhoanna, iyon yung restaurant na sinabi ni Colet dati. Malinaw sa picture na nakangiti si Aiah. Hindi lang basta ngiti—isang ngiti na never kong nakita mula sa kanya.
Masaya siya. Masaya siyang kasama yung lalaki na yon.
Hinawakan ko nang mahigpit ang phone ko, pinagmamasdan ang picture. Nakikita ko pa sa background ng picture ang pangalan ng restaurant at ilang ilaw ng chandelier. Habang tumititig ako sa litrato, mas lalong humihigpit ang hawak ko sa phone.
So, ito pala ang dahilan? Kaya pala hindi niya sinasagot ang tawag ko kagabi. Kaya pala kahit isang text lang, wala akong natanggap. Naisip ko tuloy, kailan pa sila naging ganito ka-close ng panget na to?
Napabuntong-hininga ako at isinara ang phone. Pero hindi ko rin napigilan ang sarili ko. Binuksan ko ulit ang group chat at sinilip ang mga messages nila.
Group Chat | Nonchalant pero Overdramatic.
Gwen: "Uy, Mikha, chill ka lang ha. Friendly date lang yan siguro."
Colet: "Kung friendly date, bakit parang ang sweet nila?"
Jhoanna: "Teka, Mikha, buhay ka pa ba? Wala ka man lang reaction sa group chat!"
Colet: "What if, boyfriend pala ni Aiah yan?"
Gwen: "Edi, wala siyang taste."
Jhoanna: "Hoy! Tumigil nga kayo! Baka nag seselos na si Mikha."

BINABASA MO ANG
Fame, Lies, and Love (Mikhaiah Fanfiction)
Fanfictionsi Aiah at si Mikha ay tom & jerry