Chapter 22
Mikha Lim.
Nasa shooting na naman kami, at mula kanina pa nagkakamali si Sophia sa mga linya niya. Ang simpleng eksena kung saan kailangan niya lang tumingin sa akin nang seryoso habang sinasabi ang dialogue niya, nauuwi sa paulit-ulit na "Cut!" ni Direk.
Napabuntong-hininga ako, pilit na tinatago ang inis. Hinila ko ang sarili kong focus para hindi maapektuhan ng frustration, pero hindi ko mapigilan ang mapasimangot habang inuulit na naman namin ang eksena.
"Cut! Sophia, you need to feel the weight of this scene. Focus!" sigaw ni Direk habang minamasahe ang sentido niya.
Napatingin ako kay Direk, na halatang nawawalan na rin ng pasensya. Tumayo ako mula sa puwesto ko at naglakad papunta sa gilid para uminom ng tubig. Habang nakatingin ako sa paligid, naririnig ko ang bulungan ng staff.
"Grabe, ang tagal ma-perfect nung eksena."
"Si Mikha, sobrang composed pa rin kahit halata nang naiirita."
Seryoso akong nagbalik sa set, sinubukan kong kalmahin ang sarili ko. Pero nang magsimula ulit ang eksena, at muli na namang nagkamali si Sophia, napapikit na lang ako sa inis.
"Direk, I'm sorry! One more time, please," sabi ni Sophia na halatang kinakabahan or nag iinarte lang.
Napabuntong-hininga si Direk at tumingin sa akin. "Mikha, are you okay? We'll get this right eventually."
Tumango lang ako, pilit na ngumiti. "I'm fine, Direk. Let's do it again."
Pero sa loob-loob ko, naiisip ko na kung ganito ang buong proseso ng movie, baka mawalan ako ng pasensya nang tuluyan. Ang hirap mag-focus kapag ganito.
Habang nagre-ready kami ulit, naramdaman kong may tumapik sa balikat ko. Si Sophia. "Sorry, Mikha. I'll do better."
Tumingin ako sa kanya, pilit na hinahadlangan ang pagsimangot ko. "It's fine, Sophia. Just... focus, okay?"
Tumango siya, pero halata sa mata niya ang kaba. Napaisip ako, Kung hindi siya seryoso sa trabaho, paano ko pa pagbubutihin 'to?
Pareho lang naman namin first time. Siya first time umarte, ako naman first time may makaloveteam na babae.
Few Hours Later
Paulit-ulit na lang. Ilang beses na naming inulit ang parehong eksena, pero hindi pa rin makuha ni Sophia ang tamang timing at delivery ng lines niya. Kanina pa ako nagpipigil, pero ngayon, kahit ako ay nainis na rin. Hindi naman mahirap ang eksena-isang simpleng pakikipagusap habang nakikipagtitigan sakin. Pero bakit ang hirap niyang i-deliver nang maayos?
Napabuntong-hininga ako habang pinapanood siyang kausap ni Direk. Mukhang pinapaliwanagan na naman siya sa dapat niyang gawin, pero sa totoo lang, dalawang araw pa lang kami nagsisimula, at parang wala pang nangyayari.
Nakapamaywang ako habang nakatayo sa gilid ng set, pilit na pinapakalma ang sarili. Napansin kong lumapit ang isa sa mga staff at inabutan ako ng tubig. "Miss Mikha, baka gusto niyong mag-break muna?"
Umiling ako. "Okay lang, salamat. Pero sana matapos na 'to bago mag-lunch." sagot ko habang pinupunasan yung pawis ko.
Narinig ko ang sigaw ni Direk. "Alright, Sophia, let's do this again! Focus, please. Mikha, are you ready?"

BINABASA MO ANG
Fame, Lies, and Love (Mikhaiah Fanfiction)
Fanfictionsi Aiah at si Mikha ay tom & jerry