Vaine Fleur
"Hello?" inaantok na sagot ko sa cellphone ko na kanina pa ring ng ring.
"Vaine, where are you? Dr. Villareal is looking for you." sabi ng nasa kabilang linya.
Napatingin naman ako sa caller at nakitang si Sunny iyon.
"Oh Sunny, ikaw pala yan. Bakit daw?" tanong ko sa kanya.
"He didn't tell me the reason. But you have to report in his office at 6pm."
Tiningnan ko naman ang oras at nakitang 5am palang ng umaga. Lintek na yan kaya pala antok na antok pa ko.
"Sunny, siraulo ka talaga pwede namang mamaya mo na sabihin. Bakit ngayon pa? Alas singko palang ng madaling araw hayop ka." nangigigil na sabi ko sa kanya.
Narinig ko naman siyang tumawa sa kabilang linya.
"Sorry na. Hindi na kasi kita masasabihan mamaya. Tulog pa ako nun eh. Alam mo namang night shift ako ngayon." sagot niya naman.
"Whatever, thanks for ruining my sleep. Bye." sagot ko sabay baba ng tawag.
Sinubukan kong matulog ulit pero ayaw na talaga ako dalawin ng antok. Sa inis ko ay tumayo nalang ako at nagdesisyon na mag jogging nalang muna. Matagal tagal na din kasi akong hindi nakakapag work out. Nang mapatingin ako sa salamin pagkatapos kong maghilamos ay napansin kong medyo mugto pa rin yung mga mata ko kakaiyak kagabi. Sana lang talaga mawala mamaya dahil baka mapagkamalan akong chinese sa singkit ng mata ko.
Nagbihis lang ako ng black na leggings at sports bra saka ko ipinusod ang buhok. Kinuha ko na din ang headphone ko saka lumabas na ng condo.
Pagkalabas ko ay ramdam ko na ang malamig na simoy ng hangin. Nag stretching muna ako bago tumakbo.
Hindi na ako masyadong lumayo at saktong papawis lang ang ginawa ko dahil kailangan kong mag report sa hospital mamayang 7am.
Pagkatapos kong mag jogging ay naligo ako at nag prepare na para pumasok.
"Good morning, Doc." bati sa aking ng mga nakakasalubong ko na sinusuklian ko naman ng ngiti.
"Good morning, Doc. Conference room po." sabi ng isang nurse sa akin.
"Okay, thank you." nakangiting sabi ko na ikinapula niya naman.
"W-welcome po." nahihiyang sagot niya at mabilis na umalis.
Napailing nalang ako at dumiretso na sa conference room kung saan gaganapin ang presentation.
"Okay, inhale and exhale, Vaine." kausap ko sa sarili ko habang nakatayo sa harap ng malaking pinto.
Iniswipe ko ang card ko dahilan para magbukas ang pinto ng conference room.
Dire-diretso akong pumunta sa pwesto kung saan ako umuupo at hindi na nag-abalang tumingin sa paligid. Medyo marami naman na ding tao dito at lahat ay busy sa kanya-kanyang ginagawa.
Habang naghihintay ay nagbasa na muna ako ng mga data ng pasyente at ng mga ooperahan ngayong araw dahil siguradong sa operating room nanaman mamaya ang bagsak ko.
"Good morning, Dr. Xanther." napatigil ako sa pagbabasa ng marinig ko ang bumating 'yon pero hindi ako nag-angat ng tingin.
"Good morning." rinig kong sagot niya na ikinapikit ko.
God, how I miss that voice. Kinompose ko muna ang sarili ko dahil nagbabadya nanaman ang mga luha ko na tutulo. Ayaw kong umiyak. Pagod na akong umiyak.
Naputol lang ako sa pag e-emote nang biglang nag-ring ang cellphone ko.
"Hello?" sagot ko saka tumayo at pumunta sa sulok malapit sa bintana kung saan kitang kita ang kabuuan sa labas ng hospital.

BINABASA MO ANG
What Are The Chances? (ProfessorXStudent)
FanfictionYndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echoes through the academic halls. However, beneath her calm facade, a surprising twist emerges. A tale...