Chapter 21

716 19 0
                                    

Chapter 21

Mikha Lim.

Habang nakaupo ako sa waiting area, patuloy kong tinititigan ang screen ng phone ko, umaasang makakatanggap ng kahit simpleng message mula kay Aiah. Pero wala talaga. Napabuntong-hininga ako at tumingin sa relo. Malapit na ang oras ng boarding, pero pakiramdam ko, mas mabigat pa ang dala ko kaysa sa luggage na nasa tabi ko.



Bigla akong napatingin kay Sophia nang marinig ko siyang tumawa kasama ang isa sa mga staff. Ang lakas ng boses niya, para bang sinasadya niyang kunin ang atensyon ng lahat. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at kunwaring inayos ang mga gamit ko para makaiwas lang sa presensya niya.

"Mikha, come here! Let's take a photo!" sigaw ni Sophia habang hawak ang phone niya.

Napapikit ako nang mariin at pilit na ngumiti habang lumapit sa kanya. Paparazzi bait na naman ito. Tumayo ako sa tabi niya para magpa-picture, pero agad din akong bumalik sa upuan pagkatapos. Hindi ko kayang magkunwari na okay lang lahat.

Nang magsimula nang mag-announce para sa boarding, lumapit si Sophia sa akin at binigyan ako ng isang mapanuyang ngiti. "Ready ka na ba for Paris?" tanong niya na parang siya ang pinaka-excited sa trip na ito.


"Ready," sagot ko nang walang emosyon, saka ako tumayo at kinuha ang bag ko. Habang naglalakad papunta sa gate, pilit kong iniisip si Aiah, iniisip kung ano ang ginagawa niya ngayon. Nandiyan kaya siya sa bahay? Galit pa rin kaya siya?

Habang sumasakay na kami ng eroplano, panay ang pag-message ko sa kanya, kahit alam kong hindi siya sumasagot. Please lang, Aiah, sagutin mo naman kahit isa lang, bulong ko sa sarili ko habang tumutunog ang seatbelt sign sa taas.



Buong biyahe ay tahimik lang ako, nakasimangot habang nakasandal sa upuan ng eroplano. Hindi ko magawang ngumiti kahit na excited dapat ako dahil Paris ito-ang city of love. Pero paano ka naman magiging masaya kung ang naiwan mo sa bahay ay galit sa'yo at hindi ka man lang kinibo bago ka umalis?



Napatingin ako sa bintana, pero kahit ang magagandang ulap sa labas ay hindi nakakapagpagaan ng loob ko. Pilit kong iniiwasan ang atensyon ni Sophia na panay ang kwento sa mga staff. Ilang beses pa siyang sumubok makipag-usap sa akin, pero sinagot ko lang siya ng maikli o kaya ay tango lang ang isinukli ko. Wala akong balak makipagplastikan.





Paglapag namin sa Paris, hindi pa rin nagbago ang mood ko. Habang nasa van papunta sa hotel, halos wala akong sinasabi. Tiningnan ko ang phone ko, umaasang may kahit anong message si Aiah, pero wala. Napabuntong-hininga ako at ipinikit ang mga mata, pilit na nilalabanan ang iritasyon at lungkot na nararamdaman ko.


"Mikha, are you okay?" tanong ni Sophia na tila concerned, pero ramdam ko ang bahid ng pagiging mapapel sa tono niya.





"I'm fine," malamig kong sagot at tumingin sa labas ng bintana.


Pagdating namin sa hotel, agad akong nag-check-in at dumiretso sa kwarto. Ibinagsak ko ang mga gamit sa kama at humiga nang patihaya, nakatingin lang sa kisame. Sa kabila ng pagod mula sa mahabang biyahe, hindi ko magawang magpahinga. Ang bigat pa rin sa dibdib.


Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ulit ang screen, nagbabakasakaling may message na mula kay Aiah. Pero tulad ng dati, wala. Napailing ako, pilit na itinataboy ang inis sa sarili ko.



Ako na nga ang iniwasan, ako pa rin ang nagaalala sa kanya tsss. Engot ka Mikha Lim.




:


Kinabukasan, maagang nagkita-kita kami sa set. Sa halip na excitement, nararamdaman ko ay kaba. Hindi dahil sa first shoot ng pelikula, pero dahil si Sophia ang magiging ka-eksena ko. Pilit kong iniayos ang sarili ko, maski alam kong ramdam ng mga staff ang tension sa pagitan namin.

Fame, Lies, and Love (Mikhaiah Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon