Foundation week starts today. Ngayon na din ang umpisa ng SBL. 8 am ang call time sa gymnasium kaya dapat by 8 am nandon na lahat ng players.
Five days ang Foundation week. The first three days focuses on the SBL tapos ang huling dalawang araw ay fun day na ng mga estudyante. May mga booths na itatayo tulad na lang pag intramurals. Basta ang focus ay makapag enjoy ang mga estudyante.
Sinabihan na kami ni Cloud kagabi sa GC na dapat by 6 am nasa school na. Pero dahil pasaway ako 6:15 na palabas pa lang ako ng condo. Panay na nga ang chat nila sakin kung nasaan na ako. Baka daw kulangin ako sa oras sa pag aayos ko. Which is I think hindi naman. Just trust me, kaya ko yan within an hour.
As of now ang suot ko lang ay baggy white cotton pants, rubber shoes, bralette and a mickey mouse cardigan, naka butones naman sya medyo naka laglag lang ng very very light lang yung sa left shoulder. I also wore my reading glasses and lastly my beige cap. I just bun my hair also. All white ang trip ko isuot ngayon.
Nag double check na ako ng mga dadalhin bago bumaba at umalis.
I received a chat from Cloud na nasa gate sya, waiting for my arrival. Buti naman may taga bitbit ako.
"Eli. Good morning." I smiled widely when he came closer.
"You're late." Naka simangot na sabi nya sabay kuha ng mga dala ko.
Isang tote bag at paper bag ng sandals lang naman ang dala ko.
"Nandon na sila lahat?" I asked.
"Yes. Ikaw lang naman hindi sumunod sa call time."
Tinignan ko sya from head to toe. Shet talaga. Naka suot sya ng white shirt, white jersey short with black linings and a cap also. Naka rubber shoes na din sya. All white din, so mukha kaming couple sa itsura namin ngayon.
"Why so pogi?" I smiled at him.
"Tsk, alam ko Coleen."
"Hangin mo." I hold his arm then we starts walking.
Na samin na naman ang atensyon ng karamihan ng ibang estudyante. Hindi pa ba sila sanay na nakikita kami? Parang lagi na lang kasi silang gulat na gulat pag mag kasama kami.
Nasa tapat na kami ng building 4 ng may kumausap kay Cloud na SSG Officer. Tatanggalin ko na sana ang pagkaka hawak ko sa braso nya ng ipitin naman nya ang kamay ko. Sign na ayaw nya na alisin ko ang kamay ko.
"Bossing!"
Nakita ko sa fourth floor si Greg kumakaway pa sakin.
"Ganda mo talaga boss!" sigaw naman ni MM na kakadungaw lang din.
Nawala sila doon sa may railings malamang bababa sila para puntahan kami. Isang minuto nga lang andito na sila sa tabi ko.
"Eli. Mauuna na kami sa taas mag aayos pa ko." Agaw ko sa atensyon ni Cloud.
Nauumay na din ako sa mukha ng section 1 na pinapanood kami dito mula doon sa tapat ng room nila. Baka masira yung make up ni Scarlett sa sobrang selos.
Nilingon naman ako ni Cloud saglit. Akala ko nga ay bibitawan na ako pero nag paalam na sya sa kausap nya at nag lakad na. Kinuha naman nila MM at Greg yung mga gamit ko sa kanya.
Meron na lang akong kulang kulang isang oras para mag ayos. Pagdating sa room todo asikaso naman sakin itong mga kumag, sila nag ayos ng mga upuan na pag papatungan ko ng mga gagamitin ko. Since gamay ko naman ang pag make up sa sarili ko inuna ko ng mag plantsa ng buhok.
"Let me help you." It's Isaiah.
Nagulat pa ako sa pag lapit nya at hinawakan ang plantsa na hawak ko.
