🏥⛪ 25- Amaze

1.6K 48 9
                                    

Amaze

Kapag ika'y namangha, parang tinamaan ng kidlat ang puso mo—bigla, malalim, at hindi mo malilimutan.

👨‍⚕️HIDEO ADONIS

Natapos na ako mag-shower at nakapag bihis na muli ng bagong t-shirt. Pagbalik ko ay nasa dining area na Dok Rat. Kaagad niyang naramdaman ang presensya ko kaya napatingin siya sa akin.

Pero nakasimangot pa rin siya. Halos magdikit na ang dalawang kilay siya sa pagkunot at nag crossed-arms siya pag-upo ko sa katabing upuan niya. He's still contemplating something that I didn't know.

"Bakit ba ganyan ka makatingin? Inaano ba kita?" puno ng pagtataka na tanong ko sa kanya.

Daig ko pa ang may nagtatampong nobya dahil sa ginagawa niya. Iniisip ko ang dahilan kung bakit para siyang tinotopak ng ganyan.

"Alam ba ni Yang Xi 'to?" tanong niya.

"Huh? Hindi ko alam. Ang alin ba?" balik na tanong ko sa kanya dahil naguguluhan na ako sa tinuturan niya.

"Na inuwi mo rito si Nurse Marikah, baka kasi mas alam niya kasi siya ang BFF mo!" he said bitterly.

"Hindi ko nga alam kung nasabi ko, sa iyo nga hindi ko nasabi, sa kanya pa kaya? Ni hindi pa nga kami muli nagkikita kasi buntis ang asawa niya." Paliwanag ko.

At the first place, bakit ba ako nagpapaliwanag sa kanya?

Inirapan niya lang ako. Napangiwi naman ako at pinapalagatok na ang mga daliri ko. Mukhang may gusto rito na matikman muli kung paano ako pumitik ng noo.

Tiningnan niya ako ng masama.

"Ano na naman ba?!" singhal ko na sa kanya. Iniiwasan kong mag elevate ang blood pressure ko. Pero mukhang mas lalo niyang patataasin.

"Sabi mo noon, kaya hindi mo type ang kapatid kong si Niniana kasi dahil sa age gap niyo na 12 years at masyado siyang bata para sa'yo, tapos malalaman-laman ko na  gusto mo pala ang 15 years at mas bata pa sa kapatid ko?!"

Halata ang bawat gigil sa bawat salitang binibigkas niya. Hindi ko tuloy mawari kung matatawa ba ako o maiinis.

Napahawak ako sa sentido ko, sana talaga ay hindi pa tumataas ang dugo ko. "Ayoko sa kapatid mo, kasi ikaw palang sakit na sa ulo ko, daragdag pa ba siya?"

Huminga siya ng malalim at napasandal sa kinauupuan. "Hmmm, sabagay. May point ka..." muling kumunot ang noo n'ya nang may ma-realized sa sinambit ko. "Ano kamo? Sakit ako sa ulo?!" singhal na naman niya.

"Oo, sino'ng hindi sasakit ang ulo na bigla kang nagtatampo na parang bata d'yan?"

Napaatras siya ng leeg. "Grabe? Hindi ba pwedeng natural na itong expression ko?" huminga siya ng malalim at nagdrama na naman. "Palibhasa kasi, option friend mo lang ako dahil wala si Yang Xi sa tabi mo. Ako lamang ang nandito para sa'yo ngayon."

Napangiwi ako at napakamot ng batok. "Ganyan talaga ang nagagawa kapag hindi kumakain ng breakfast 'no?"

Umirap lamang siya muli. Wala naman akong magagawa kung makakalimutin ako madalas dahil na rin sa mga trabahong nakatambak sa opisina ko. Hindi ko na nga alam kung paano ko naisisingit ang oras kung paano mag-relax tulad ngayong araw na ito. Hidni ako umiisip ng kahit na ano'ng appointments at paper works. Gusto ko lamang buong araw ay nandito o kaya ay mag-meditate. Mahirap na kapag nag-trigger na naman ang mga halimaw sa loob ko.

Natutunan kong alagaan ang sarili ko, not only physically kundi maging ang mental health ko. Unlike before that I'm drowning in a deeper sea of grief, sufferings, and loss. Pinabayaan ko halos ang sarili ko noon ng sobra. But I stand still, because I know may rason ang Diyos kaya niya ako pinapanatili pa rin sa mundong ito, alo with all the those  sufferings that I've experienced before. To make me his greatest soldier? Until when?

The Doctor Series #1 : My New Life is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon