🏥⛪ 22- Feelings

2.1K 49 15
                                    

Feelings
Ang damdamin ay hindi laging kayang ipaliwanag ng salita, ngunit ito ang nagbibigay kulay at kahulugan sa ating buhay.

👨‍⚕️HIDEO ADONIS

"Bakit ba lapit ng lapit itong si Dok Philip kay Nurse Marikah?"

Hindi ko maiwasang mayamot, sapagkat nakita ko na naman si Dok Philip mula sa CCTV na huminto  sa Nurse station kung saan naka duty si Nurse Marikah. Kanina ko pa binibilang kung pang-ilang beses na niyang huminto rito.

At ilang beses ko na rin itong tanong sa isipan ko. Hindi ba siya nakakaabala kung may ginagawa mang chart checking at rounds ang mga Nurse na naka duty doon?

"Tapos mamaya, sasabayan na naman niyan si Nurse Marikah mag-lunch, nanandya ba siya?"

Minasahe ko ang kamay ko pagkatapos ay pinalagatok isa-isa ang mga daliri ko. Hindi ko ugali ang manapak, pero mukhang gusto kong subukan ngayon, for experience lang.

Pero teka, bakit nga ba umaabot na sa ganitong punto ang iniisip ko? Sa dami ng inaasikaso ko sa mga nagdaang araw ay hindi ko pa nakakamusta si Athena o maging si Marikah. Kailangan ko lamang talagang unahin ang mga nakabinbin na paper work, maging mga files na kailangan kong pirmahan asikasuhin lalo na at magbabayad ang tax record ng buong Hospital, hindi lamang dito sa Main, kundi pati sa mga branch. Parati kong kausap ang mga abogado ko patungkol sa mga bagay na ito.

Tapos bubungaran lamang ako ng ganito ni Dok Philip?

Talaga nga namang nakakayamot. Hindi ako nakakaramdam ng maganda sa Doktor na ito, sa pagkakaalam ko ay casanova ito sa kanilang Hospital sa Memphis. Well, nabasa ko lang naman ito sa mga articles ng Reddit. Hirap tumanbay sa website na iyon, napakarami kong nasasagap patungkol sa ibang mga Doctor na siyang ginagawan ng articles doon. Pero minsan na akong na-feature roon, patungkol sa pagiging unmarried ko. Bakit ba sila curious?

Mariin pa rin akong nakatingin sa footage habang hawak ko ang kamao ko. Kung naipapasok ko lamang ang kamao ko sa loob ng screen ay kanina ko pa hinila si Dok Philip.

Narinig ko ang pagsara ng pinto ng opisina ko pero hindi ko tiningnan kung sino ang pumasok, nakatitig lamang ako kay Dok Philip na kausap pa rin si Nurse Marikah.

"Kung may bala lang ang mga mata mo Dok, kanina pa wasak 'yang screen sa sama ng titig mo. Sino ba nagpapainit ng ulo mo d'yan?"

Sabi na at si Dok Rat ang pumasok, siya lang naman ang kilala kong hindi kumakatok kapag pumapasok dito sa opisina ko. Hindi pa nga babati 'yan.

Nakisilip siya sa screen, hinayaan ko lamang siya. Nako-contemplate pa rin ako sa mga sasabihin ko. Pero yes, sinisira na ni Dok Philip ang mood ko.

Bibiktimahin niya ba si Nurse Marikah sa pagiging womanizer niya? Isa na siya sa tinitiliang Doctor dito, kaya maging si Dok Rat ay gusto ng mayamot.

Ah, 'di bale, araw-araw at oras-oras  namang nayayamot itong si Dok Rat.

"Ala eh, may umaaligid na pala diyan sa kras mo, ha?"

Napatingin ako sa kanya, "Ano'ng kras ka diyan?"

Dinunggo niya ang balikat ko.

"Woooh, wari mo pa eh, halata naman talagang may pagtatangi ka kay Nurse Marikah, ano?"

Umiwas ako ng tingin.

"Ehhh, halata ga?" muli ako napatingin sa kanya.

Napatakip siya ng bibig. Bigla ay hinila niya ako patayo.

The Doctor Series #1 : My New Life is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon