𝗘𝗚𝗚
ALMERA'S POV
“I'm okay, uncle—I said I'm okay!” napakagat ako sa labi nang masigawan ko ito sa kabilang linya, napabuntong hininga ako. “I'm s-sorry.. Ikaw naman kasi, uncle, sabing okay lang ako. Wala kang dapat ipag-alala, napagod lang siguro ako kaya dumugo ang ilong ko, but I'm.. I'm okay.”
Nakahinga ako ng maluwag nang ibaba nito ang tawag, medyo naguilty ako sa ginawa kong pagtaas ng boses sa kanya.
Alam kong nag-alala lang ito dahil sa nangyari sa akin kagabi sa party. Napaupo ako sa puting kama at nilibot ang paningin.
Pagkatapos akong ilabas ni Clark sa party, hindi ko na alam ang nangyari, nakatulog kasi ako matapos niyang isakay sa kanyang sasakyan.
Kaya hindi ko alam kung nasaan ako ngayon, nasa hotel room ba ako? Parang.. Oo?
Ganito rin kasi ang itsura ng hotel room kung saan ako nagpalipas ng araw when I got here in Italy.
Pero mas maganda ito at mas malawak ang espasyo.
Tumayo ako at pumasok sa banyo, nilibot ko ng tingin ang loob nito. 𝘊𝘭𝘦𝘢𝘯, tumango-tango.
Nagsimula akong maglakad at natigil pa ako sa harapan ng salamin ng banyo. I'm still wearing the dress I wore to the party last night.
Napatitig ako sa mukha ko, walang bakas ng dugo sa aking ilong. Si Clark ba ang nagpunas? Kasi naman tulog na ako nun! O baka may inutosan siyang ito?
Naghilamos ako at ginamit ang toothbrush na mukhang bago pa.
Nasaan na kaya siya? Iniwan niya ba ako matapos niyang ihatid rito? Tapos pagkatapos nun, san naman siya pupunta? Sa babae niya?
Ha! Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa akin kagabi! I am his wife pero sino ang kinampihan niya? Tsk!
“He should at least take me to my hotel room, my things are there.” maktol ko pagkalabas ng banyo.
“I brought some clothes for you to wear.”
Napahawak ako sa aking dibdib nang biglang may magsalita sa gilid. Nakita ko itong nakatayo at nakatalikod sa akin.
Nakaharap kasi ito sa may glass wall at nakatingin sa matatayog na mga gusali.
Nanlaki ang mga mata ko.
“A-ahh okay...” natataranta kong kinuha ang shopping bags na nakapatong sa kama at nagmamadaling pumasok ulit sa banyo.
Napasandal ako sa may pinto nang makapasok ako, shit! Nakakahiya, did I just badmouth him? When he's freaking here?! Oh God!
Wala naman siya kanina nang magising ako? Napatingin ako sa hawak-hawak kong shopping, did he buy this for me? Kaya wala ito kanina?
Napangiti ako, what is this? Bumabawi ba ang asawa ko sa akin? Napatawa ako dahil sa naisip.
Sandali pa akong natulala bago napagpasyahang maligo at isinuot ang biniling white dress at ang flat pink sandal.
Cute.
Huminga muna ako bago dahan-dahang lumabas ng banyo and to my surprise, nakaupo na ito kaharap ang mini round table, may pagkain na rin na nakapatong.
He's busy with his phone, he's even smiling huh.
Is he texting someone? The girl from the party? I suddenly got irritated.
Padabog akong naglalakad at padabog rin akong umupo just to let him know that I'm here.
Nakita ko sa peripheral vision ko ang pag-angat nito sa akin ng tingin at pagtagò ng phone niya sa kanyang bulsa.
Ako naman ay hindi ito pinansin at mas nagfocus sa pagkaing nasa harapan ko.
Kumuha ako ng becon at tinikman ito.
Nagsalubong ang kilay ko nang lagyan nito ang plato ko ng sunny side up egg. Nag-angat ako ng tingin at pinagtaasan siya ng kilay.
“I don't like eggs,” kinuha ko ang itlog at ibinalik.
Bata pa lang ay hindi ko talaga gusto ang lasa ng itlog, kahit ano pa ang klase ng luto nito.
Gusto kong matawa nang taasan niya rin ako ng kilay, why does he look so hot? Ang manly niyang tingnan.
“Ayaw mong kumain ng itlog pero itlog ko gusto mo?” ibinalik niya ang itlog sa plato ko.
Napaubo ako nang marinig iyon. He handed me a bottle of water, so I drank it.
Sa palagay ko'y kasing pula ng kamatis ang aking mukha, bigla ko tuloy naalala ang ginawang kong paggapang ng gabing iyon.
“I'm not! Stop talking nonsense!”
An amused smirk suddenly appeared on his lips while looking at me.
“Sabing hindi nga totoo 'yan!” sinamaan ko ito ng tingin nang sumubo lang ito ng pagkain. “Akala mo naman masarap 'yan,” usal ko.
Natigilan ito at napatingin sa akin. Doon ko lang narealize na napalakas pala ang boses ko.
Shit, did I say it loud?! This is so embarrassing!
Nagpatuloy ako sa pagkain para pagtakpan ang nakakahiyang sinabi ko. Behave yourself, Almera! You're embarrassing yourself in front of him! Your husband!
“Last night,” he started, “why did you have a nosebleed?” Natigilan ako sa tanong nito.
Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang mapanuri nitong mga mata.
“I-I...” napakagat ako sa labi. “I j-just overworked myself.” Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya.
Baka kapag sinabi ko ang totoo ay iwan niya ako. Sino ba ang gugustuhing magkaroon ng asawang may sakit? Alagaan? Ayokong iwan niya ako.
Napatango-tango ito at kahit halatang hindi kumbinsido.
Why did he ask? Is he worried about me? Pinigilan ko ang aking ngiti.
Pinuno ko ng pagkain ang aking bibig takot an baka tanongin ito o sabihin sa kanya ang totoo.
Ramdam ko ang paglubo ng aking dalawang pisnge.
Susubo pa sana ako nang makita ang flash ng camera.
I raised my gaze and I saw him holding his phone in front of me.
Nanlaki ang mga mata ko.
“D-did you.. just take a picture of m-me?” Kahit nahihirapan dahil puno ang bibig, nagawa ko parin itong tanongin.
Mabilis itong nag-iwas ng tingin, kaya hindi ko na naitago ang ngiti na kanina ko pa pilit na itinatago.
Nagtaka ako nang tumayo ito at nakapamulsang tinitigan ako.
“Don't get your hopes up too high, wife. Your uncle has been asking about you since last night. I'll send this picture of you to him.” Lumapit ito sa akin at hinawakan ang baba ko para linisin ang gilid ng labi ko.
“Take care of your health, I still need you and your wealth.” He smiled nonchalantly.
“You can die when I don't need you anymore.”
And that's it, the hope that I had suddenly vanished.
END OF CHAPTER 12
