Chapter 19

623 20 0
                                    

Chapter 19




Mikha Lim.





Music nalang ang naririnig namin sa loob ng kotse. Pinili ko na huwag na rin magsalita, baka kung ano pa masabi ko na pagsisihan ko pa mamaya.





Pero syempre, hindi siya papayag na manahimik lang.






"Hatid mo na lang ako sa bahay ng parents ko," biglang sabi ni Aiah mula sa likuran. Diretso, walang pasakalye.





Napatingin ako sa rearview mirror, kita ko siya - nakasimangot at nakatitig sa akin na parang wala na siyang pasensya.





Here we go again.






Napairap ako at napakuyom nang mahigpit sa manibela. Alam kong kapag sinagot ko siya ngayon, lalala lang 'to. Pero ano? Mananahimik na lang ako habang siya, bigay lang nang bigay ng utos?






"Sa bahay natin." sagot ko nang matigas. Hindi ko siya tiningnan, pero ramdam ko agad 'yung reaction niya.




"Sinabi nang sa bahay ng parents ko, Mikha," diin niya, may kasamang diin ng boses na parang makikipagdebate na naman siya.





Huminga ako nang malalim at hindi ko pa rin siya nilingon. "Sa bahay natin." ulit ko, mas kalmado pero halata na yung inis.





"Ang kulit mo rin eh," sabay kalabog ng bag niya sa upuan. "Sinabi ko na ngang sa bahay ng parents ko!" galit n sabi niya.





Napapikit ako nang mariin, sinusubukang pigilan 'yung galit na unti-unting kumukulo. Hindi ko alam kung ano bang pinoproblema niya, pero ang alam ko lang, ayoko siyang sundin ngayon. Ako ang nagmamaneho. Ako ang may kontrol.







"Hindi," sagot ko, diretso, walang paligoy-ligoy. "Uuwi ka sa bahay natin End of discussion." malamig na sabi ko.




"Excuse me?" halos tumawa siya nang pilit, pero halata 'yung inis. "Since when did you get to decide where I go home, huh?" mataray na tanong niya sakin.





Inapakan ko nang madiin yung sa gas, medyo bumilis tuloy 'yung takbo ng kotse. Pero kalmado pa rin ang boses ko. "Since ako 'yung nagmamaneho," sagot ko. "Kung gusto mo sa bahay ng parents mo, mag-book ka ng Grab." masungit din na sabi ko.





"Grabe ka, Mikha," sabi niya, may halong tawa pero mas lamang 'yung disbelief. "Seriously? Ganun?"





Tumingin ako saglit sa rearview mirror, kita ko 'yung pagkakunot ng noo niya. Galit na galit. Good. Ganyan din naman nararamdaman ko ngayon.







"Bakit ba kasi hindi mo na lang ako sundin for once?" tuloy niya, 'di pa rin tapos. "Ang dali-dali lang ng hinihingi ko! It's not like I'm asking you to drive me to another city, Mikha. Parents ko lang! Hindi mo ba talaga kaya yun?"






Napahinga ulit ako ng malalim. Gusto kong sagutin, gusto kong patulan, pero for what? Magsisigawan na naman kami? Ganito na lang palagi? Wala na bang katapusan 'to?






"Wala ka namang ginagawa bukod sa pagdedesisyon para sa sarili mo, Aiah," sagot ko, pilit na kalmado pa rin pero may halong sarkasmo. "So ngayon, ako naman." napipikon na rin ako sa kanya.





"Selfish ka, Mikha." may gigil na 'yung boses niya, parang anytime ay susugod na siya sa harapan para makipag-face to face sa 'kin. "Wala kang ibang iniisip kundi sarili mo. Ang dali-dali ko lang namang hinihingi, pero hindi mo pa maibigay."






Fame, Lies, and Love (Mikhaiah Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon