Chapter 11

514 11 0
                                        

Pag pasok sa room padabog kong tinanggal ang pagkaka hawak ni Cloud sa pulso ko. Nasira na yung araw ko hanggang mamaya na to panigurado.

"Bossing oh." Nilapag ni Greg ang mga pagkain ko sa table ko.

Nawala na yung gutom ko. Yung iced coffee ko lasang tubig na to panigurado. Nakaka inis talaga!

Alam kong dapat sanay na ko sa ganito. Sa mga babae na sinisisi ako dahil sa gusto ako nung mga jowa nila kaso nakaka pikon pa din talaga. Kailan ba matatapos to? Sobrang ganda ko ba talaga para pag selosan nila.

Pero seryoso napipikon ako.

"B-bossing wala ka sa mood?" tanong ni Greg na mukhang natatakot sa inaasal ko.

Tahimik lang ako sa upuan habang iniinom yung iced coffee ko na konti na lang pa tubig na. Masama ang tingin sa kung saan.

"Mukha ba kong nasa mood Greg?"

"Sabi ko nga wala ka sa mood." Kamot ulo syang nag hila na lang ng upuan at umupo sa harap ko.

"I'm sorry about that Astra." nag salita na yung hudas sa likod ko.

Hindi ko sya sinagot. Isa sa ugali ko talaga pag wala ako sa mood wala akong gustong kausapin. Once na may kumausap sakin talagang mapag bubuntungan ko ng inis. Ayoko naman makapag salita ng hindi maganda sa kanila ngayon lalo na at inalagaan nila ako nung nakaraang araw.

"Astra." tawag sakin ulit ni Cloud.

Napansin ko naman yung ibang kumag na nakikiramdam saming dalawa. Siguro ramdam din nila yung init ng ulo ko. Para pakalmahin yung sarili ko kinuha ko na lang yung airpod ko at nakinig na lang ng music. Kailangan kong kalmahin ang emosyon ko kung hindi kung ano anong hindi magandang salita ang lalabas sa bibig ko.

Dumaan ang lunch, inaya nila akong bumaba pero simpleng iling lang ang sinagot ko sa kanila. Buti na rin na isang beses lang nila ko inaya. Ayoko ng paulit ulit ngayon.

Nag baba rin kanina ng paper bag na may rice meal sa loob si Cloud pero hindi ko pinansin. Inayos ko lang ang pagkakalapag sa bakanteng upuan sa harap ko. Iuuwi ko mamaya o ibibigay ko kay Greg, hindi ko yan itatapon maraming taong nagugutom.

Nag aayos na ako ng gamit wala pa din akong kinakausap sa kanila. Siguro dadating na rin yung buwanang dalaw ko kaya tinotoyo na rin ako. Palabas na sana ako ng tawagin ako ni Greg.

"Boss yung pagkain mo."

"Sayo na." Walang lingon na sabi ko at lumabas na. Sa kanya ko na ibibigay baka walang hapunan yon sa kanila.

Nauna na kong lumabas sa kanila hindi na rin ako sasabay sa kanila. Mas gugustuhin ko mag commute kesa makasama sa isang van si Cloud.

"Hey Astra." Hinarangan ako ni Sloan at Sage.

Kung sinuswerte ka nga naman dadagdag pa ata sa init ng ulo ko to bago ko umuwi.

I just looked at them coldly. Waiting for them to speak up.

"We're sorry about Scarlett's attitude earlier. What she did is really below the belt." Sloan said.

F*ck their sorry. I don't need it.

"Is that all?" I asked. "Spare me with your dramas."

Agad ko na silang nilagpasan at hindi na pinansin ulit ang pag tawag nila. I had enough of dramas for today. Mabibinat talaga ko sa mga ginagawa nila.

Wala akong ginawa pag uwi kung hindi manood. I didn't even open my phone to check it. Nag order lang din ako ng pagkain at natulog.

When the next school day came I'm hesitant to go to school. Ngayon nag sink in sakin na parang masyado kong naging OA kahapon. Ganito ba talaga maging babae? Napaka gulo mag isip. Half of me is ashame because of how I act towards them especially to Cloud. Bahala na, papasok na ko. Mag sorry na lang din ako mamaya. Pero depende pa ang pag so-sorry ko sa madadatnan ko sa room. Ma pride akong tao, oo na.

A Rose Among the ThornsWhere stories live. Discover now