Kabanata 57

888K 21.8K 8.8K

Kabanata 57

Ang Saya Ko

"Ano ba talaga, hija? Bakit ba parang nakakalito ka na? Hindi parang! Actually talagang nalilito ako!" Sabi ni Karl nang lumabas kami sa sumunod na araw.

Umiling ako habang pinaglalaruan ang inorder kong tea.

"Una sa lahat, gusto mo siyang layuan. Pagkatapos, nagseselos ka kung may ibang kasama siya. Pagkatapos, pinagtatabuyan mo naman pag may time, anyare? Bakit ganyan? Dahil ba binabae lang ako kaya di ko maintyendes?"

Sinapak ko si Karl at tinitigan.

"Lam mo? Kunti na lang at malalaman na ng buong syudad na bakla ka! Nitong nakaraang araw parang talagang naghuhubad ka na eh."

Tumawa siya, "Wala si daddy eh. Tsss."

Yung daddy lang ni Karl ang kinakatakutan niya. Paano ba kasi, nag iisang lalaking anak siya. Aniya'y di yun matatanggap ng mga magulang niya kung baklita siya. Kawawa. Noon, wala naman talaga akong pakealam sa mga bading. Pero ngayong naging kaibigan ko na siya, narealize kong mahirap pala ang sitwasyon nila. Lalo na ang sitwasyon ni Karl. Kung ako, nahusgahan, ilang beses, ng pagiging gold digger ng mga tao... Siya naman, mahuhusgahan, buong buhay niya, di lang ng ibang tao, kundi pati na rin ng pamilya niya. Mahirap.

Napabuntong-hininga ako.

"Ngayong Lunes, panigurado, magbabalik na ang Jacob na yun. Alam mo bang iniisip kong baka next week ay bugbugin niya ang maganda kung mukha? Alam mo ba kung magkano yung BBCream sa Etude House at paano ko yun binibili nang di pinagdududahan ng mga tao? Pink yung bag, Rosie... Tsaka ayoko talagang magkapasa!"

"Hay nako! Hindi ka susuntukin non! Hindi naman ganung klaseng tao si Jacob. Tsaka... Akong bahala!"

"Point is... Iisipin niyang tayo. Tapos magseselos na naman yun. Magkakagulo na naman. Tsaka... ano ba talaga? Gusto mo ba siya o hindi? Anong next step mo?"

"Karl, pati ba naman ikaw? Wa'g nga kayong atat! Ganito..." Napabuntong hininga ako.

Sa dalawang linggong pagmumuni-muni ko, marami akong narealize. Naliwanagan ako at nabwiset sa sariling mga desisyon. Nagkamali ako nung una pa lang kaming nagkita ni Jacob, nung inisip kong maghiganti. Nagpadala ako sa galit. Unti-unti kong narealize na mahal ko parin siya pero sa oras na yun hindi na pwede kasi alam ko ng may something si Callix para sakin.

"I'm so confused, okay? Ayokong saktan si Callix pero gusto ko si Jacob PERO naiisip ko yung panggagago niya sakin. Sorry pero hindi ko kayang ipafeel sayo kung anong nafifeel ko dahil ako mismo, di ako sigurado. Basta ang alam ko, seryoso akong ayaw ko munang makipag ugnayan kay Jacob."

"So... Meaning? In case na makipag landian si Papa J sa iba, okay lang diba? Kasi ayaw mo ng makealam? Diba?"

Tinitigan ko siya at sinabi ng diretso sa mga mata niya, "Oo."

Baka Sakali 1 (ABS #1) (Published under Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!