Isa

11.9K 250 14

"What is the derivative of cscx?" tanong ni Prof. Dimaculangan.

Bagay na bagay talaga sa kanya ang kanyang apelyido kasi kapag nagtatanong siya, gusto niya complete sentence ang sagot namin. Hindi pwede ang kulang dahil magagalit siya. Marami ang takot sa propesorang ito dahil nambabagsak siya. Sa kamalasan, sa kanya pa ako napunta.

"Mr. Lim, answer my question," pag-agaw niya ng pansin sa kaklase kong nakatingin sa bintana.

"Uhmm, miss it's -cscxcotx," sagot agad ni Jeff Lim na ikinataas ng kilay ni ma'am.

Kinabahan si Jeff sa pag-aakalang mali ang sagot niya. Nanatiling ganito ang senaryo sa sumunod na kinse segundo.

"Get out!" bulyaw ni prof. Lumabas namang nagtataka si Jeff. Absent na siya sa araw na ito.

"Mr. Torres, please answer my question correctly," ako naman ang tinawag niya.

"The derivative of cscx is -cscxcotx," sagot ko naman. Ang problema kasi sa mga classmates ko ay laging preoccupied ang kanilang isipan dahil sa dami ng requirements sa iba pang mga subjects. Nalimutan tuloy ang golden rule ni prof na dapat complete sentence ang sagot.

"Good!" wika ni Maam Dimaculangan at ipinagpatuloy na niya ang aralin sa Calculus.

Pagkatapos ng aming klase, grupo-grupong lumabas nang nagkukuwentuhan ang aking mga kaklase. Naiwan akong mag-isa sa room dahil nag-aayos pa ako ng aking mga gamit. Kakaunti lang ang aking mga kaibigan at iba pa ang mga courses nila sa akin. Takot kasi ako magtiwala. Lumabas na rin ako ng room at nilisan ang Math Building. Nagmamadali akong naglakad patungong  sakayan ng jeep para umuwi na. Mahaba-habang biyahe to. Pero sa katunayan, hindi naman talaga sobrang layo ng bahay namin, sadyang masikip lang ang daloy ng trapiko. Hayy buhay.

Pagdating ko ng bahay, nadatnan ko ang aking mga kapatid na magulong naglalaro.

"Si mama?" tanong ko sa kanila habang tinatanggal ang sirang sapatos.

"Lumabas po eh, mangungutang daw. Wala pa tayong ulam kuya eh," sagot ni Roxie, ang sampung taong gulang kong kapatid.

"Kuya, pasalubong," sabat naman ni Ralph, ang walong taong gulang kong kapatid na laging naghahanap ng pagkain sa bag ko pag-uwi

Bago ko pa siya masagot, "Ay, wala," malungkot na saad niya nang walang makita sa bag ko. Sapat lang kasi ang perang baon ko para sa pamasahe. May baon naman ako para sa tanghalian.

Dumating naman si mama dala ang instant noodles na inutang sa tindahan ni Aling Sima.

Ganito ang buhay ko araw-araw. Oo, mahirap at sawang-sawa na ako. Pero wala akong magagawa sa ngayon. Tiis muna at mangarap na maiangat ang pamilya mula sa aming kinasasadlakan.

Ito ang kauna-unahang bagay tungkol sa akin na ikinukubli ko mula sa iilang taong malapit sa akin.

SikretoBasahin ang storyang ito ng LIBRE!