Alas otso na ng gabi, matapos nila kumain nag tulong tulong na sila sa paglilinis sa kusina. Wala akong ibang ginawa kung hindi tumawa sa mga kalokohan nila. Kahit papano hindi lang paghiga sa kama ang nagawa ko ngayon. Although parang lumala pa ang nararamdaman ko sinusuka ko lang din kasi yung mga kinain ko kanina. Kaninang tanghali pa talaga ko nag susuka kahit yung kinain namin nila Kuya naisuka ko lang din. Ilang beses ako nagpabalik balik sa banyo para sumuka lang.
Nandito na kaming lahat sa kwarto inaasikaso na nila ang mga gagamitin ko sa bedside. Ultimo alarm ng cellphone ko sila ang nag set para daw magising ako sa oras ng inom ko ng gamot.
Ako naman ay naka sandal lang sa headboard ng kama at pinapanood sila. Nang matapos sila nag kanya kanya silang pwesto at tinignan ako.
"Stop staring." Nakaka ilang kasi.
"Call one of us if something went wrong okay?" It's Hayden.
"Don't hesitate." ani Kayden.
"Yes, thank you for coming here and taking care of me. I appreciated it really."
"Bossing dapat lagi kang may sakit. Ang bait bait mo pag may sakit ka." si Greg.
Tinitigan ko naman sya ng masama. Siraulong to, mabait naman ako ah. Minsan.
Nag paalam na sila isa isa sakin. Nang makalabas sila ay nahiga na ako. Ipipikit ko na sana ang mata ko ng biglang bumukas ulit ang pinto ng kwarto.
"Why? You left something?" I asked Cloud.
"Pina una ko na sila umuwi."
"H-huh?"
Umurong ako ng konti ng humiga sya sa tabi ko.
"I'll stay until you fell asleep."
Ilang segundo ako natulala sa kanya. May sakit din ba ito? Napaka bait naman ata nya ngayon.
"I'm okay re-."
"No, go to sleep. Stop talking."
Hindi na ako sumagot at hinayaan syang haplusin ang buhok ko.
"Hey, Astra you're shaking. Let's go to the hospital."
Nagising ako sa mahinang kalabit ni Cloud at pag bulong sakin.
"H-huh?"
"You're shaking. I'm worried let's go to the hospital."
Umiling ako sa kanya at siniksik lang ang sarili ko sa kanya.
"I'll b-be okay."
"Let me call your parents atleast." Hindi ako sumagot sa kanya. Iniisip ko pag tinawagan nya sila Daddy panigurado maaabutan sya dito. Pero wala rin naman kaming ginagawang masama.
"Astra? I'll call them. I'm going to use your phone." I just nod at him. Naka siksik kasi ako sa dibdib nya, sya naman ay nakatagilid sakin.
"Astra iha?" I heard Dad's voice. Naka loud speaker si Cloud.
"Good evening sir. This is Cloud Astra's classmate. She's not feeling well since morning."
"W-what? Where are you?" Halata na ang pag aalala sa boses ni Daddy.
"We're here at her condo po. She's shaking coz of fever but she still don't want to go to the hospital."
Naririnig ko sa background ang pagtatanong ni Papa kung anong nangyayari na hindi nasasagot ni Daddy dahil sa pagkataranta.
"Okay, please look after her for me. Papunta na kami."
"Okay sir. Take care po."
Naramdaman ko ang gustong pagtayo ni Cloud kaya mahigpit kong hinawakan ang tshirt nya..
