Chapter 18
Aiah Arceta.
Sunod-sunod kong binuhat 'yung mga gamit ko at inilagay sa trunk ng kotse ni Mikha. Bawat bagsak ng bag, ramdam ko 'yung bigat — hindi dahil mabigat talaga sila, kundi dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Kada sulyap ko kay Mikha, tumataas 'yung inis sa dibdib ko.
Nakatayo lang siya dun sa likod ng kotse, nakasandal na parang walang iniintindi sa mundo. Nakasuksok 'yung kamay niya sa bulsa ng jacket niya, at tahimik lang siyang nakatitig sa 'kin. Walang sinasabi. Walang paliwanag.
Wala ka talagang balak magsalita, ha?
Siniksik ko nang maayos 'yung bag ko sa gilid, pilit na kinokontrol 'yung galit na nararamdaman ko. Ayokong magsalita nang hindi ko iniisip, pero ang hirap. Lalo na kapag bumabalik-balik sa isip ko 'yung headline kagabi:
"Mikha Lim and Sophia Laforteza to Star in New Girls' Love Film — Paris Shoot Confirmed!"
Three months. Three freakin' months.
Tapos ang mas nakakainis, ako pa 'yung huling nakaalam kung hindi ako nag open ng social media. Wala man lang pasabi. Wala man lang, "Aiah, may offer akong movie," o kahit simpleng, "Uy, may project ako." Wala. Pero 'yung buong mundo, alam na.
Ipinilig ko 'yung ulo ko, pilit na itinataboy 'yung inis. Kalma, Aiah. Baka naman wala siyang oras para sabihin. Baka... baka busy siya or baka hindi rin niya nalaman agad. Pero kahit anong reason pa ang isipin ko, hindi pa rin nawawala 'yung inis sa dibdib ko.
"Aiah," tawag niya, at nagulat ako dahil ang tahimik niya kanina pa. Malambot 'yung boses niya, pero ramdam kong may bigat.
Hindi ako lumingon. Kunwari abala ako sa pag-aayos ng bag, kahit tapos na 'ko. "Bakit?" sagot ko nang walang lingon-lingon.
Narinig ko 'yung marahang yabag ng mga paa niya sa likod ko.
"Kanina ka pa iwas nang iwas," sabi niya, mabagal at kalmado, pero ramdam 'yung diin sa bawat salita. Parang gusto niyang iparamdam na alam niya. "May problema ba?"
Problema? Napangiti ako nang pilit, pero hindi ko pinakita sa kanya.
"Wala," sagot ko agad. "Bakit? May dapat ba akong problemahin?" Sabay siksik ng bag ko sa mas makipot na parte ng trunk, kahit wala namang kailangang ayusin.
Tahimik. Alam kong hindi siya aalis hangga't hindi ko siya tinitingnan.
Kaya napilitan akong humarap. At ayun na nga, nandun siya, nakatingin sa'kin. Hindi siya galit, pero 'yung tingin niya — 'yung tingin na parang may gusto siyang itanong pero hinahayaan niya akong unahin.
"Hindi mo pa rin sasabihin sa'kin, ha?" Hindi ko na napigilan. Lumabas na 'yung inis sa boses ko. "Wala man lang pasabi? Ako pa 'yung huling nakaalam?"
Kumunot 'yung noo niya. "Tungkol saan?"
Ang kapal, hindi pa niya alam?! Napailing ako at napangiti nang pilit. Inis na inis na talaga 'ko.
"Ikaw na bahala kung tungkol saan," sagot ko, iniwas 'yung tingin ko pabalik sa trunk.
"Kung tungkol sa movie, sana sinabi mo na agad," sabi niya, malalim 'yung buntong-hininga niya. "Oo, may movie ako. Oo, kasama si Sophia. At oo, three months akong mawawala."

BINABASA MO ANG
Fame, Lies, and Love (Mikhaiah Fanfiction)
Fanfictionsi Aiah at si Mikha ay tom & jerry