After our class, Dad invite us again for another dine out. Ito yung isang maganda kila Daddy at Papa sobrang busy man nila sa company nagbibigay talaga sila ng oras para samin. Hiwa hiwalay man kami ng mga bahay they always make way para magkasama sama kami. Hindi rin sila nag uusap tungkol sa business kapag kasama kaming tatlo. Okay lang naman samin kung mag uusap sila tungkol sa trabaho pero silang dalawa mismo ang may ayaw. Family bonding daw ito may ibang oras pa daw para pag usapan ang business.
"Your mother reached out to me Coleen." tanging si Daddy lang ang tumatawag sakin na Coleen at sya lang ang may karapatang tawagin ako sa second name ko.
"I don't have a mother." I spit coldly.
"Coleen-"
"No Dad. I don't want to ruin this dinner so please."
Hindi naman na sya kumibo matapos non. Thanks to Kuya Blake for changing the topic immediately. Nag patuloy sila sa kwentuhan pero ako nanatiling tahimik na. I hate it when that woman came to the picture. I hate that she's still alive. I hate her so damn much.
Matapos ang dinner hinatid nila ako sa condo. Naiwan sa baba sila Kuya at Papa, si Daddy naman ay ihahatid daw ako hanggang sa unit ko.
"Anak, I'm sorry."
Nandito na kami ngayon sa sala. Alam ko naman na may sasabihin sya.
"I just tried if you're open now to talk about your- uhm that person. Don't worry I won't do it again anak."
"I'm sorry too Dad. But really I don't want to know any of her information. I don't care about her. Okay na ko sa inyo ni Papa kila Kuya. I don't need her, okay? So please let's stop talking about her."
Niyakap ako ni Daddy at nakakaintinding tumango. After minutes of talk nagpaalam na din sya na aalis na.
Hindi rin mawala sa isip ko kung ano yung gustong sabihin ni Dad. Di ba parang siraulo? Hindi ko pinatuloy yung sasabihin nya kanina tapos ngayon iniisip ko kung ano yon.
I'm just curious, bakit ngayon lang sya nag reached out kay Dad? It took her many years to do so. I'm just curious but I really don't want to talk to her. If that's what she want. I'm mad at her, I loathe her. Walang nanay ang magagawang iwan ang sariling anak nya at sumama sa ibang lalaki. Walang matinong babae ang lalandi sa iba habang kasal sya. Siguro kung hindi naging mabuting padre de pamilya si Daddy maiintindihan ko sya pero hindi eh. Dad gave all of his love, effort and care to us, I witnessed it. Kahit arranged marriage lang sila nagpaka lalaki si Dad para sa amin na pamilya nya. But she still chose to left us. Alam ko na arrange marriage lang walang pagmamahal na namamagitan sa kanila. Pero tama ba na iwan nya din ako? Tama ba na iwan nya din ang responsibilidad nya sakin?
Nakatulugan ko na ang pag iisip. Naging ako ng around 4 am na masama ang pakiramdam ko. Actually kanina ko pa sa school nararamdaman ito pero dahil mabait akong estudyante tiniis ko.
I slowly got up from bed, I need some water. This is what I hate specially I'm living alone. Ako lang mag isa, ako gagawa ng lahat. I love living alone but I hate being sick.
Nagdala na ko ng tubig sa kwarto pati gamot. Lahat ng alam kong gagamitin ko nilagay ko na sa bedside table ko para aabutin ko na lang, ultimo remote ng aircon matapos ko mahinaan nilapag ko na din sa table.
I woke up at 8:30 ganon pa din ang pakiramdam ko walang pinagbago. I checked my temperature and it's 38.7 tumaas pa kesa kanina na 38 lang. Mas bumigat din ang pakiramdam ko. Sumakto pa na wala yung driver nila Daddy at naka bakasyon sa probinsya nila three days na, tatlong araw na din ako nagcocommute papasok.
Hindi naman ako nakakaramdam ng gutom kaya itutulog ko na lang to ulit.
Nagising ako sa ingay ng cellphone ko. Si Greg pala tumatawag sa messenger ko. Hindi ko muna sinagot at hinanap ang pangalan ni Kuya Blaze. 11 am na sana walang klase sila Kuya para makapag dala sila ng pagkain ko. Nakakaramdam na ko ng gutom at ang pakiramdam ko wala pa din pagbabago.
