Chapter 17
Mikha Lim.
Tumunog ang phone ko habang nakaupo ako malapit sa bonfire. Nag-vibrate lang sa bulsa ko pero alam kong importante dahil si manager lang ang madalas tumawag ng ganito kaaga. Sana naman hindi na to dagdag abala, bulong ko sa sarili habang kinukuha ang phone.
"Hello?" sagot ko habang tumayo at lumayo ng kaunti para hindi marinig ng iba.
"Mikha, may kailangan tayong pag-usapan. Emergency meeting regarding sa bagong movie mo," seryosong sabi ni Miss Arlyn, manager ko.
Napapikit ako ng mariin, saka huminga nang malalim. Eto na naman tayo. "Kailangan ba talaga ngayon, Miss Arlyn? Nasa camping ako, di ba sabi ko sayo, magpapahinga ako?"
"Alam ko, alam ko, pero hindi ko kontrolado 'to, Mikha. This is about finalizing the project details. Producers want to lock in everything today para makapagsimula na tayo agad next week. Kailangan kita sa call."
Sumandal ako sa puno, pumikit sandali, at pinipilit pakalmahin ang inis ko. Camping. Vacation. Isang araw na nga lang na pahinga, pero ayaw talaga nila akong bigyan ng peace of mind.
"Okay, sige. Gaano katagal 'to?" tanong ko habang pinipisil ang ilong ko.
"Depende, pero baka abutin tayo ng isang oras o higit pa. Maghanda ka, Mikha. I-expect mo na yung mga big boss nandun, so dapat ready ka."
"Noted," matipid kong sagot bago binaba ang tawag.
Saglit akong nanatiling nakasandal sa puno, nakatingin lang sa kawalan. Big project. Big movie. Big headache. Alam kong dapat matuwa ako kasi ito na naman yung chance na makakuha ng malaking exposure, pero parang wala na akong nararamdaman kundi pagod. Wala nang bago, Mikha. Ganito ka na palagi.
Huminga ulit ako nang malalim, pinakiramdaman ko ang paligid. Tahimik. Si Colet, Maloi, at Aiah ay nasa trail para mag-hiking. Wala si Aiah. Buti na lang, dahil baka mabadtrip ako kung nandito siya.
Naglakad ako pabalik sa camp at hinanap si Sheena. Nakita ko siyang nag-aayos ng gamit malapit sa tent. Lumapit ako, kalmadong sumilip sa loob.
"Sheena, aalis muna ako. Tinawag ako ni manager, may emergency meeting daw about sa bagong project."
"Aalis ka na?" tanong niya, bahagyang tumingala habang hawak ang water bottle.
"Oo. Saglit lang naman siguro to," sagot ko habang hinahanap ang jacket ko. "Sabihin mo na lang kay Aiah, baka hanapin ako nun." biglang sabi ko kahit hindi ko alam kung bakit kailangan ko pa sabihin yun.
Natawa si Sheena. "Sigurado ka bang ako ang sasabihan mo? Baka ako pa pagalitan nun. Alam mo naman yun, kapag wala kang paalam, para kang nagka-crime."
Napairap ako. "Eh, di sabihin mo, tinawagan ako ng manager ko. Trabaho to, hindi lakwatsa."
"Okay, okay. Sabihin ko." Sheena raised her hands, as if surrendering.
Kinuha ko ang bag ko at inayos ang mga gamit ko. Habang ginagawa yon, hindi ko maiwasang mapaisip. Si Aiah kaya? Anong reaction niya pag nalaman niyang wala ako?
Edi malamang matutuwa!
Napailing ako. Bakit ko ba iniisip yon? Hindi naman siya importante. Wala siyang kinalaman dito. Trabaho ‘to, Mikha. Focus ka na lang sa trabaho.
Tiningnan ko ulit si Sheena. "Pakisabi na lang ha, para hindi na maghanap yung iba."
"Oo na. Lakad na. Baka mainip pa yung mga big boss mo," pang-aasar ni Sheena bago siya bumalik sa ginagawa niya.

BINABASA MO ANG
Fame, Lies, and Love (Mikhaiah Fanfiction)
Fanfictionsi Aiah at si Mikha ay tom & jerry