Special Chapter 3
Taleng Chronicles
NEFTHALINE ARJIKA MIRANDA 'TALENG'
Isa aku sa pinakamagandang yayita ng Velaroza mansion.
Pinaka magandang ngipen ren.
Baket? Anu konek ng ngipen ku ditu? Wala lang, sobrang ganda kase pantay at mapuputi pwedi na akung endurser ng totpayse.
Dapat lamang, matapos akong ipagpalet ng ex ku sa isang dugyot at mukhang ngipen ng pating na babaeng pinakokopya ko sa Anatomy and Physiology noong college ako. Kung hende dahel saken edi bagsak na siya, dokleng pa man den siya.
Sobrang namawis ang kili-kili ko mga Dzai! Nahule ko sila magkaholdeng hands sa Megamall. Sana pa lang hende ku na lang ipinasyal mga shih tsu at pomeranian ni Ma'am Niniana at Ma'am Mice. Inutosan kase nila aku na epasyal sa Megamall ang mga asu na ke aarte naman, belhan ko raw ng aksesores. Okay 'kako, nilagay ku sela sa dog stroller at nag-ikut, aliw na aliw ang mga dogs kasi mababaet naman sela kagaya ng mga amu nela.
Piru hindi ku pweding dalhen ang eyak ku detu sa mansyon, kahit na may oras na naiiyak ako, ang genagawa ku na lang ay nanonood ng Kdrama at eeyak kahit hindi pa nag-uumpesa ang palabas ngumangawa na aku. Nag-aalala ang isa sa alaga ku—si Ma'am Mice, ang bunso sa magkakapated.
Subrang akung bruken, lahat naman benegay ku sa lalakeng yon (pwera virginity ku, baka mataga aku ng nanay ku), hende ku alam kung saan aku nagkolang. Binibegyan ku naman siya ng oras ba, nelelebre ku pa nga yon. Mag two years na sana kame netu pero ayon, isa siyang manluluko ba. Pharmacist siya sa isang Pharmaceutical company ng mga amu ko, matapus ku siya i-refer ay gantu gagawen saken. Senaktan neya ang pusu ko. Durog na durog ba.
Sandale nga, magpapakelala pala muna aku, saleta aku ng saleta ditu, tapus hindi niyo pa pala kelala ang background ku at kong baket aku nasa esturyang itu ba.
Aku si Nefthaline, Neffy o Taleng ang palayaw ku. Miracle baby aku ng Nanay kong Mayordoma ng mga Velaroza, ang aking Nanay Normita, wala na akung Tatay kase tinakbuhan seya netu at sumakabilang bilat daw ito.
Kase hinde rin niya akalain na magkakaanak pa siya kaya miracle baby aku. Sabe ko nga sa kanya, paano siya magkakaanak kung hende naman siya nagpapatusok ba. Binatukan nga aku. Kaya nang nagdalaga aku ay senior citizen na si Nanay.Mga fifteen years old siya nang kuhanin siya na maging bantay ng tatay nela Ma'am Mice. Si Dr. Mouse Rosswell Velaroza na saksakan daw ng tigas ng ulo noon. Nag-asawa raw ang alaga niya ng mag 20's kasi hindi niya napegelan, kase lagi raw siya ng tinatakasan netu at ng napangasawa na si Ma'am Mickey. Naging resposible naman daw ang dalawa lalo na nang maikasal at magka-anak ang mga ito. At si Sir Rat iyon. Si Nanay na ang nag-alagay kay Ser Rat kasi naging busy sa mga tinatapos na career ang mag-asawang Velaroza, lalo rin na nagpayaman ang mga ito dahil matatalino pagdating sa negosyo at medisina. Mga Philanthropist din kaya siguro hindi nawawalan ng blessings. Matagal na hindi nasusundan ang panganay nilang anak, kaya nang ipanganak ako ni Nanay ay naniwala si Ma'am Mickey na magkakaanak siya ng babae, kaya itunuring muna nila akong anak na babae hanggang sa na baby dust na si Ma'am Mickey at sa wakas ang nabuntis na siya muli.
Kahit nag-iisa si Nanay na itinataguyod ako ay hindi naman kami pinabayaan ng mga Velaroza, lalo na at ang taas ng respeto sa kanya ni Sir Mouse dahil sa pagiging tapat na kasambahay kaya naging Mayordoma siya hindi naglaon.
Hindi nalalayo ang edad ku kay Ma'am Niniana na siyang pangalawang anak nila, itinuring na rin akong parang kapatid ni Ser Rat at Ma'am Nini.
At hindi pa nga natapus ang lahat sapagkat nagka-anak muli ng babae si Ma'am Mickey. At siya na nga si Ma'am Mice na siyang peyborit kong alaga kasi hindi matiga ang ulo, hindi kagaya ni Sir Rat at Ma'am Nini na sumasaket ulo ko ba lalo kapag binabantayan ku sela.
BINABASA MO ANG
The Doctor Series #3: Reaching You
RomanceCat Villanueva is the Headnurse of HC Medical City at nabuntis siya ng kinaiinisan at mortal enemy na Doktor. Ito ay si Rat Velaroza, isang OB-GYN. Ayaw sa kanya magpa-prenatal check-up ni Cat. Kaya ang ginawa niya ay pina-blacklist niya ito sa la...