Chapter 16

616 13 0
                                    

Chapter 16



Aiah Arceta.


Anong problema ng babaeng to?!



Kinabahan ako nang makita kong dahan-dahang lumalapit si Mikha. Wait, wait, wait! Ba't biglang ganito?



"Anong gagawin mo?" tanong ko, pero hindi ko naitago ang kaba sa boses ko.




Hindi siya sumagot. Sa halip, hinawakan niya yung mga kamay ko. HINAWAKAN NIYA YUNG KAMAY KO?!


Nanlaki mata ko, parang nag-freeze buong sistema ko. Pilit kong binabawi yung kamay ko, pero ang higpit ng hawak niya. Anong trip nito?!



"Mikha! Ano ba? Bitawan mo nga ako!" sigaw ko, pilit na nilalayo yung mga braso ko. Pero mas lalong hinigpitan ni Mikha yung hawak.



"Bakit? Natatakot ka ba?" bulong niya, sobrang lapit ng mukha niya sakin.





Oo, natatakot ako. Pero hindi ko pwedeng sabihin 'yun!





"Hindi ako natatakot! Nakakairita ka lang!” galit kong sagot, pilit na nagpapaka-matapang. Pero sa totoo lang, ramdam na ramdam ko na yung mabilis na tibok ng puso ko. Pucha, Aiah, ba't parang ikaw pa yung kinakabahan?


"Sure ka? Hindi ka ba kinakabahan?" ulit niya, sabay ngisi. Ay, gago 'to. Nai-enjoy niya 'to! "O baka naman... kinakabahan ka kasi..."


"Bitiwan mo nga, Mikha! Seryoso!" sigaw ko habang galit na galit na nakatitig sakanya.


"Hmm. Ano kaya? Gusto mo ba talagang halikan kita?" tanong niya ulit habang dahan-dahang inilapit yung mukha niya sakin.




"Bakit tahimik ka na, Aiah?" bulong niya, mas mababa yung boses niya ngayon..



Pumikit ako sandali para mag-focus. Kalma, Aiah. Kalma. Wala kang dapat ikatakot. Hindi siya... hindi siya seryoso...




Pero bakit parang seryoso?!



Naramdaman ko yung dahan-dahan niyang paglapit. Parang lahat ng bagay sa paligid namin, nag-slow motion. Yung init ng hininga niya, nararamdaman ko na sa balat ko. OH MY GOD. WAG. WAG. WAG!



"Mikha, I swear, pag di mo ko binitawan, sisigaw ako!" pagbabanta ko, kahit na hindi ko sigurado kung may lakas pa ba akong sumigaw.


"Subukan mo," sagot niya, mas mababa yung boses at mas lalong nakakatakot. Ba't parang kontrabida to sa movie?! "Gusto mo halikan kita? Sige, game. Sigaw ka na."





Nakakunot na yung noo ko, pero ramdam kong nag-iinit na rin yung mukha ko. Hindi to pwedeng mangyari. Hindi to dapat mangyari!



"Gaga ka talaga," bulong ko, wala na akong maisip na ibang sagot.



Bigla siyang natawa. Oo, tawa pa. Sige, Mikha, tawa ka pa!



Nagtagal pa yung titig niya sakin. Ang lapit na ng mukha niya, mga ilang pulgada na lang. Di ko na napigilan, kinabahan na talaga ako. Yung tipong parang may gumugulong na malaking bato papunta sakin at wala akong takas.




Hahalik ba siya?!




Hindi siguro... pero... e bakit ang lapit niya?!



"Tsk," bulong ko, sinubukan kong maging kalmado pero halatang nataranta na talaga ako.


Kung hahalikan niya ako, anong gagawin ko? Atras? Sigaw? Tulak? Subukan ko ba gumanti?





Fame, Lies, and Love (Mikhaiah Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon