Chapter 15
Mikha Lim.
Tahimik na ang paligid, maliban sa huni ng kuliglig at mahihinang ihip ng hangin. Pakiramdam ko, ganito dapat ang "peaceful" na gabi sa camping — malamig, tahimik, at payapa. Pero hindi 'to ganun. Hindi puwedeng maging payapa 'to, kasi may isang Aiah Arceta na kasama sa iisang tent.
Bwisit na camping 'to.
Ang saya sana ng plano, pero simula pa lang, palpak na. Sila Maloi, Sheena, at Stacey? Walang dalang tent. Puro pampaganda lang ang dala. Anong akala nila, camping sa spa?! At eto pa si Aiah — wala na ngang tent, wala pa sa mood. Puro reklamo, parang bata.
Kanina pa siya nagdadabog sa loob ng tent namin. Tinatry kong magpanggap na tulog, pero wala, hindi siya titigil. Kung makadabog parang wala nang bukas. Eh, sobrang init pa ng panahon. Wala nang aircon, wala pang peace of mind.
Narinig ko pa 'yung pagbuntong-hininga niya. Pabebe. Alam kong sinasadya niya para marinig ko.
Here we go again....
"Bwisit na camping 'to!" reklamo niya sabay malakas na bagsak ng unan sa sahig ng tent.
Hindi ko na kinaya. Kanina pa ako nag papasensya, pero ubos na 'yun.
"Tigil-tigilan mo 'yang mga dabog mo." masungit na sabi ko sa kanya. "Nakita mo nang nang papahinga yung tao."
"Hala, anong sabi mo?" kunwaring tanong niya sakin.
"Narinig mo naman, Aiah," malamig pero nangaasar na sabi ko. "Sabi ko, tigil-tigilan mo 'yang mga dabog mo. Saka..."
"...parang gusto mo pa yata ng season tutorial kung paano humalik,"," sabi ko nang bigla, hindi na nakapagpigil. Sinadya ko 'yun. Gusto ko makita kung paano siya magre-react.
Nanlaki ang mata niya. "ANO?!"
Natatawa talaga ako. "Wala," sagot ko, sabay talikod ulit, parang tapos na ang usapan.
"Hoy, Mikha! Anong season tutorial ha?! Wala akong kailangan! Marunong ako, no!" hiyaw niya habang hinampas ako ng unan. "Baka ikaw ang may kailangan nun!"
"Uh-huh anong ako? Ang dami ko nang nahalikan Aiah," sagot ko, kalmado pa rin. "Baka gusto mo ng season 2."
"HAYOP KA, MIKHA!" sigaw niya at pinaghahampas ako ng unan.. tuloy tuloy at walang tigil.
Bigla siyang tumigil. Ilang segundo siyang walang kibo, tapos narinig ko 'yung paghinga niya nang malalim.
"Hindi ako katulad mo! Ikaw kung sinu-sino hinahalikan mo!" singhal niya habang hinahampas ako ng unan. May gigil. May diin. Lahat ng inis niya, idinaan niya sa bawat hampas sakin.
Napangisi ako. Hindi ko napigilan. Alam kong magagalit siya lalo, pero minsan, di ko mapigilan na asarin siya. "Trabaho ko 'yun, Aiah," sagot ko sabay harap ulit sa sleeping bag ko. Parang tapos na ang usapan.
Pero hindi pa pala.
"TRABAHO?! Anong trabaho?! Artista ka, hindi ka kissing booth!" rinig kong sigaw niya kasabay ng hampas ng unan sa likod ko. Malakas. Tapos ako raw yung galit palagi?!
Humalakhak ako. 'Di ko na napigilan. Malutong na tawa. 'Yung tawang may kasamang "ano ba 'to" at "seriously, Aiah?" vibes para mas mainis pa siya.
"Anong nakakatawa, ha?!" patuloy niyang sigaw, as if she's in control. Pero hindi. Ako ang may control dito. Alam kong natatamaan siya. "Gigil na gigil na ako sayo, Mikha Lim. Huwag mo akong subukan!"

BINABASA MO ANG
Fame, Lies, and Love (Mikhaiah Fanfiction)
Fanfictionsi Aiah at si Mikha ay tom & jerry