Chapter 14

571 21 1
                                    

Chapter 14

Aiah Arceta.



Tahimik na sa loob ng tent, tanging huni ng kuliglig at mahihinang ihip ng hangin mula sa labas ang naririnig. Nakahiga ako sa sleeping bag niya at nakatitig sa kawalan. Ang liit ng space, pero parang ang layo namin ni Mikha. Nakatalikod siya sa akin, mukhang tulog na tulog na.


Nakaharap ako sa likod niya, pilit na pinapakiramdaman ang bawat kilos niya. Steady ang paghinga niya — malalim at mabagal. Tulog na nga.


Napakagat-labi ako habang iniisip 'yung sinabi niya kanina. "Hindi ka marunong humalik at dry pa 'yung lips mo."

Para bang biglang sumiklab ang inis ko ulit. Napahawak ako sa labi ko. Dry daw? Ako? Dry? Parang bigla kong gustong tumakbo sa bathroom at magtoothbrush tsaka mag-lip balm ng limang layers.



Gigil na gigil ako sa kanya! Napaka-insensitive talaga ni Mikha Lim! Parang siya lang marunong humalik?!



Malamang Aiah! Marunong siyang humalik kasi kung sinu-sino ang hinahalikan niya!






Hindi ko na napigilan. Kinuha ko 'yung unan ko at marahan kong hinampas ang likod niya.


"Hoy, Mikha," mahinang bulong ko, pero hindi pa rin siya nagising. Napasimangot ako. Nak ng pating! Tulog mantika!




Hinampas ko ulit, mas malakas ngayon. "Hoy! Gising!"


Wala pa rin siyang kibo. Tulog na tulog talaga. Ang kapal ng mukha, siya pa 'yung nakatulog agad pagkatapos niya akong asarin.


"Hindi dry yung lips ko! At mas marunong ako sayo!" inis na bulong ko, kasabay ng malakas na hampas ng unan sa likod niya.

"Aray!" napabalikwas siya at nilingon ako, ang buhok niya magulo pa, mukhang gulo na rin sa pagkakabigla niya. "Ano ba, Aiah?! Anong problema mo?" galit na tanong niya. Mahina lang yung boses niya pero halatang naiinis.




Hindi ako makatingin nang diretso, pero nakanguso pa rin ako sa inis. "Wala!" sagot ko, sabay harap sa kabila at nagtalukbong ng kumot.


Narinig ko ang mabigat na buntong-hininga niya. "Baliw ka talaga," bulong niya, pero halata kong may halong tawa sa boses niya.


Hayup talaga. Bakit parang ako pa 'yung napahiya?


Muli akong napahawak sa labi ko, pilit na iniisip kung totoo ba 'yung sinabi niya. Hindi nga kaya?



Napaiwas na lang ako ng tingin at ipinikit ang mga mata. Bahala ka, Mikha Lim. Balang araw, makikita mo rin kung sino ang hindi marunong humalik.




Nakakainis!!! Tapos! Mainit pa. Sobra. Walang aircon, tapos ang selfish na si Mikha isa lang ang dinalang portable fan. Feeling ko parang nasa loob kami ng oven. Sinong may sabi na masaya ang camping? Ito na siguro ang pinaka-worst na desisyon ko sa buong buhay ko!



Hindi na ko sasama ulit sa mga weirdong trip nila!


Nakatalukbong ako ng kumot pero dahil sa init, ibinagsak ko ito pabagsak sa gilid. Para saan pa 'tong kumot na 'to kung parang disyerto naman dito?! Inis na inis ako.

Saka ko naalala na may kasama pala akong sira-ulo sa tent. Si Mikha. Yung babaeng mayayabang magsalita pero madamot sa portable fan niya!


Idinabog ko ang unan ko sa bandang ulunan ko. Mahina lang, pero sapat para mailabas ko ang inis. Pagkatapos, binagsak ko ang braso ko sa tagiliran. Nakakainit ng ulo pati na rin ng panahon!

Fame, Lies, and Love (Mikhaiah Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon