Hindi, hindi ko alam kung paano ko'to sisimulan
Dahil hindi ko rin alam kung bat nga ba ako tumayo sa Inyong harapan
Wala naman akong lakas ng loob para ibahahi ang nararamdaman
Pero hayaan mo na, siguro okay narin naman
Pero- pero nanamn, pero alam mo ba
Habang sinisimulan ko'tong pyesa
'yong mga letra't salita'y nagtutugma-tugma tila may halong salamangka
Umaayon pa ang tadhana, panahon narin ata
Para isatinig ang nadaramang nakatago sa plumaGagamitin ang ABAKADA para sabihin sayo 'tong nadarama
BA-bakit sa dami ng nakapula Ikaw ang unang nakita
Bakit sa pangalan na normal naman sa iba, pagdating sayo'y nag-iba
Pagkasambit mo'y tila Isang masuyong musika
Marahil ay nagtataka kung bakit sinimulan sa bakit
ngunit kong iyong iaanalisa ay pinupuri kita
Pinupuri dahil sa tagal na hindi ngumiti-, biglang nagkakulay ang labi
Pagpasok mo sa pinto, pumintig ng mabilis ang puso, daig pa iyong Nescafe sa epekto-
PURONG-PURO.KA-- kailan mo kaya nahuhuli 'tong mga mata
Kailan mo mapapansin na sayo'y namamangha
Kailan mo mapapansin na may ako- sayo'y humahanga
Kailan--- ako ba'y may maasahan o ako'y may iiyakan
Kailan na yong mga ngiti mo'y ako naman ang dahilan
Kailan- wala na palang kailan kasi--
Maaga kong malaman
Maagang nalaman na yong tinatahak mong daan-- Hindi puwede sa tatluhan
Pero gayon paman patuloy kitang hahangaanDA- dahil sa nalaman, umatras sa laban
Sa laban na hindi pa naman nasisimulan, pero wala nang patutunguhan
Magmumura pa sana ako! hindi kasi umabot sa isang lingo- talo na ako!
Ikaw naman kasi bat ganyan ka ngumiti-
Ikaw naman kasi bat ganyan ang lumalabas sa labi
Tila nagsasabi, mag-antay lang ng kauntiGA- gantong nadarama ang ayaw sanang madama
Alam na mali pero patuloy ang pag ngiti
Alam na walang patutunguhan pero patuloy na nagugustuhan
Sa mga nakakabasa, huwag sanang manghusga
Hindi ako number 3, kabit, mistress kerida
Sadyang nagmamahal lang mag-isaHA- handang magmumhang praning, sa tuwing
Nahuhuli ang iyong nakakabaliw na tingin
Handang humagikhik sa iyong simpleng gawin
Bawat banggit sa pangalan, hatid ay isang linggong kasiyahan
Mga tanong mong binibigyan ng kahulugan, pagud na ngang masabihan ng delusyonalLAMA- laman ka ng isipan, araw maging gabi man
Nagawan na nga rin kita ng tula sa labis na paghanga
Tula na kung mababasa mo lang sana ang laman ay puro pagsinta
Kislap ng iyong mata'y nagpapaalala na gusto kita kahit, kahit ang dulot ay puro pasakit
Hampas ng hangin sa buhok mo'y kay sakit sa damdamin
Tanong lang sinta, saan ka tumatambay ng masamahan ka habang buhay
Nobela ko'y ikaw narin pala ang paksa
Gagayahin sana si Florante at Laura dahil kahit gaano kalayo tanaw ka ng Mata
Hindi narin maghihintay pa ng tigre na umataki
Kahit ipagbawal pa ng Presidente
Gugustuhin parin kita kahit may kahati
Gugustuhin parin kita, kahit puro sakit at pighati
Gugustuhin parin kita, huwag kang mag-alala
Kaya kitang gustuhin mag-isa, hindi sayo'y iuutos na ibalik ang pagsintaPagsasamahin ko narin ang NAPARASA para minsanan ang dulot na pighati
Dahil kahit balibaliktarin ang kwento nating dalawa
Ikaw ay para sa kanya, kayo ang bida
Sino ba naman ako, hindi mo nga kilala
Pero kahit ganon paman, malaki ang pasasalamat ng ika'y makilala
Salamat dahil sayo ako natutong sumaya
Salamat dahil kahit pagud sa eskwela, papasok parin ng maaga
Salamat dahil minsan mo narin inaruga
Maikling oras na ika'y nakasama lubos ang hatid na ligaya, ligaya na itatago para maging ala-alaTA - tama na ang kahibangan
Pero takot akong tapusin ang sa totoo'y hindi naman talaga nasimulan
Dahil sa tuwing balak umusad palayo, hinatak ako ng bawat titig mo
Saan ako lulugar! hindi mo nga ako kayang tignan sa paraang handa mo rin akong alagaan
Pero wala, puso'y ninanais kaWA- walang magbabago, hahanapin ka parin ng puso
Titignan parin kita sa malayo
Papangarapin na parang ako rin ay gusto mo.Hindi ko nalimitan ang A,E,I,O,U, tulad ng hindi ko paglimot sa unang salitang sinambit mo
Unang salitang hindi ko inaasahan
Unang salitang nagkumpirma sa nararamdamanSa nakahawak niyong pyesa, wag sanang magsalita
Kung napansin ang pangalan na pilit itinago sa mapanlinlang na letra't salitaOo gusto kita at wala akong ginagawa
Damdamin na nasa papel ay nakakalat
Wag na sanang ipagkalat
Tatapusin ko narin itong ABAKADA
Pero A,E,I,O,U mayroon ako na umiibig sayo
A,E,I,O,U mag-ingat ka nandito lang ako
A,E,I,O,U susunod pero hindi ipapadama ang pagsinta
A,E,I,O,U. Tatapusin ang tula
Hindi ang pagsintang, malapit na sa kategorya ng MAHAL KITA.
